'How are you feeling?'
Iyon ang message ko kay Rhyme pagkagising ko ng umaga. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.
Venice told me that my national costume is almost done. Siya kasi namamahala at umaayos no'n tutal ka-section namin siya.
Sabi ko sukatin ko na lang sa school.
Wala pang reply si Rhyme sa akin kaya panigurado tulog iyon kaya nag-jogging na muna ako sa labas para mag-warm up.
After jogging ay nagpahinga ako saglit at tiningnan ang aking cellphone.
May message na si Rhyme.
Cheap: Bumaba na. Salamat.
Hindi ko napigilan ang pag-ngiti. Good to know that.
Wala akong gagawin ngayong araw. Why not visit him kaya?
I-che-check ko lang kung ayos na ba siya.
Nagmamadali akong pumasok ng banyo para maligo. Nagsuot ako ng casual clothing na hindi mainit. Isang kulay denim blue na crop top na pinaresan ko ng puti na short. Inipit ko ang buhok at nagmake-up ng simple lang.
Pinaresan ko ng magandang platform sandals ang outfit ko at tote bag bago ako lumabas ng kwarto.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chelsea. She's my sister.
Ayaw ko siyang nakikita sa umaga. Bigla tuloy sumama ang araw ko.
"Anong pake mo?"
She scoffed. "Huwag mo ako tarayan ng ganiyan ah? Isipin mo ang lugar mo dito"
I gritted my teeth in annoyance. "May lugar ako dito"
"Ows? " mapang-asar siyang tumawa. "Anyways, kung saan ka man pupunta, huwag ka sanang magka-problema na naman. Huwag kang sakit ng ulo ni Dad"
Kinuyom ko ang kamao at mas pinili ko na lang lampasan siya.
Walang magandang maidudulot ang pagsasagutan namin. Baka masabunutan ko lang siya.
Nagpasama muna ako sa driver ko para bumili ng basket ng prutas tsaka ako nagpunta ng grocery store, bumili lang ako ng kaunting ready to eat foods. Nakita ko na wala na siyang stock.
Napatingin ako sa tatlong plastic na dala ko.
"Is this too much?"
Natigilan tuloy ako. Bakit nga ba bibisitahin ko siya at dadalhan ng pagkain?
Ahm...I'll just going to check on him? Mag-isa lang siya tsaka pag-uusapan namin 'yong talent portion.
Tama!
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang sasakyan.
Makailang minuto lang ay nasa harapan na ako ng bahay ni Rhyme.
Nakasarado pa ang pinto kaya naman kumatok ako. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang ibang bulto ng tao.
Hindi si Rhyme ang humarap sa akin kung hindi isang babae.
"Mika?" Tanong ko, nagulat sa presensya niya.
Nanlalaki ang mata niyang tumitig sa akin at pinagmasdan ang aking mga dala.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"What do you think?" Tanong ko.
Kumunot ang noo ni Mika at halatang isang malaking katanungan kung bakit ako naandito.
I was about to answer when I saw Rhyme coming out of his small bathroom. Natigilan din siya nang makita ako sa labas.
"Cheap!" Sigaw ko bago ko nilagpasan si Mika at pumasok.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...