After that day, kaagad ding namatay ang RhyTine loveteam dahil sa isang picture sa AC. Rhyme is talking to Mika that day. No'ng iniwan niya ako mag-isa sa meeting para makipag-usap sa cheap niyang kaibigan.
At okay lang sa akin 'yon. Buti na lang talaga at nalinis na ang maling ispekulasyon.
Ang mga sumunod na araw ay naging busy para sa aming dalawa. Dahil nagsisimula na ang pag-prepare ng materials para sa national costume at malapit na rin magsimula ang practice.
Linggo ngayon kaya walang pasok. Late na rin ako nagising pero naghanda na rin ako umalis.
Plano kong bumili ng susuotin para sa photoshoot at sa gagamitin ko para sa pageant.
Kinuha ko ang cellphone. I contacted Rhyme dahil hindi naman siya active sa gc namin. Lagi lang ako nagre-remind sa kaniya sa private message.
Kung hindi ko i-re-remind, baka hindi siya makapasok.
Me : Hey, I'm just gonna remind you that we have photoshoot tommorow. Mayroon ka na bang susuotin?
I didn't expect him to reply fast. Lagi naman siyang inactive.
Cheap: Oo.
Me: Good. Make sure to look good. At least look decent.
Ni-seen niya na lang ako. Pinatay ko na ang cellphone at nagbihis na para makabili ng aking susuotin.
Kinabukasan, maaga ako dumating sa school. Maaga talaga ako gumising dahil kailangan ko ring mag-prepare. Naka-make up na ako nang dumating. Simple at tama lang sa suot ko ang make up. Pinaayos ko na rin ang aking buhok.
"Ang ganda mo talaga" puri ni Venice nang makita ang aking itsura.
Formal ang dapat na suot kaya pinili ko ang isang color beige na dress. Heart shaped neckline at fitted iyon na may slit sa kanang hita kaya expose ang aking maputing legs. I wear 5 inches heels to match the dress. Simple lang ang aking atake. I want to be elegant.
"Where's Rhyme?" I asked. Nagsisimula na kaming dumami dito tapos wala pa siya.
"Bakit miss mo na?" Tukso ni Venice.
"Come on Venice. Kailan mo ako titigilan sa kakatukso mo ah?" I rolled my eyes.
"Kapag hindi ka na indenial!" Tumatawa pa siyang umalis palayo kasi nag-aasikaso rin silang mga officers.
Umupo na lang ako sa gilid at kinuha ang cellphone ko para i-chat si Rhyme.
Ako: Where are you?
Nakita ko na ni-seen ni Rhyme 'yon bago ko nakita ang paggalaw ng three dots sa screen.
Cheap: Papasok na po prinsesa.
I rolled my eyes before I turn off my phone. Tumingin ako sa entrance ng room kung saan ang photoshoot and true to his message, dumating nga siya.
He's wearing a beige dress shirt partnered with a black slacks. Nakabukas ang dalawang butones kaya kita ng slight ang kaniyang dibdib. Nakaayos ang lagi niyang magulong buhok kaya parang nanibago ako sa itsura niya.
Infairness...he doesn't look cheap at all.
Tumama ang mata niya sa akin kaya inirapan ko siya.
Ang tagal niya ha?
Napatingin naman ako sa kasabay niyang pumasok.
Mika.
Kaagad bumalatay ang inis sa aking sistema. Nakasuot siya ng kulay pink na dress at nakaayos din. Nakita ko ang ilang candidates na pinuri siya.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...