"Hindi ka magkakagusto sa isang cheap hindi ba?" Tumawa si Rhyme ng mahina na parang joke ang sinabi ko.
Seryoso pa rin ang titig na ipinukol ko sa kaniya. "I wish. Sana nga hindi na lang. Ang daming lalaki ang nagkakandarapa sa akin, hindi ko alam kung bakit ikaw ang gusto ko"
He scoffed in disbelief. "Ang yabang"
"Totoo!" Lumapit ako sa kaniya.
He immediately step backward like I have a disease.
Ngumisi ako. "Oh? Bakit ka umaatras?"
"Baka halikan mo ako ulit"
"Dito?" Tumingin ako sa paligid. "Sure"
Lumapit ako ulit pero umatras ulit siya.
I chuckled.
Sino ngayon ang takot ha? Ngayong pinapatulan ko, siya naman ang umaatras?
"I'm not joking Christine" aniya at kita na ang pagkapikon sa mukha niya.
"I'm not joking either" seryoso ko pa ring saad.
Nagkatinginan kami ng matagal bago niya ako lubayan ng titig. May kinuha siya sa bag niya.
It was my blanket.
"I'm here to return this" ibinato niya sa akin ang pink blanket ko.
Sinalo ko iyon at niyakap. "Akala ko tinapon mo na"
"Hindi ko 'yan itatapon. Baka ibigay ko kay Mika kapag hindi mo tinanggap pabalik"
"Not to her!" I rolled my eyes.
"Akala ko ba nagso-sorry ka na sa amin? Bakit nag-attitude?"
"I know pero akin 'to. Bakit mo ibibigay sa kaniya?"
"Kaya nga sabi ko kapag hindi mo lang tinanggap"
Inamoy ko ang blanket ko. It feels warm and smell nice.
"Thank you sa hindi pagtapon"
"Sayang. Kung sa tulad niyo, madali lang magtapon ng mga bagay, sa amin hindi lalo na kapag nagagamit pa"
Napatingin ako sa kaniya ng matagal. Hindi ko talaga gusto ang kaniyang mga mata. Mapanghusga kasi iyon at laging walang emosyon.
"Huwag mo akong titigan" giit niya nang mapansin ang aking ginagawa.
"Sorry. I just realize why I like you"
Ayan na naman ang kaniyang disgusting stare. Ngumiti ako ng tipid, sinusubukang hindi tumawa.
"Tigilan mo ako"
Naiinis siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Tumawa ako ng mahina. So adorable!
________
Kinabukasan ay mayroon kaming practice kaya maaga pa lang ay nasa school na kami.
Malapit na ang intramurals kaya naman palapit na rin ng palapit ang pressure.
"Marami na ako ni-mention. Tulungan tayo sa pag-heart sa comment" narinig kong sabi ni Jill, aming kaklase.
Kailangan namin makaipon ng maraming hearts para sa isa pang award. Sayang din ang price at sash ano.
Pero sa totoo lang, kami na ang nangunguna. I had many followers. Nakakakuha rin ng atensyon si Rhyme kaya easy.
Isa rin siya sa mga inaanticipate na makita sa competition.
"Where's Rhyme?" Tanong ko kay Venice. "Pumasok na ba?"
He is ignoring me. I mean ni-se-seen lang pala niya. Nagchat na ako sa kaniya para sa gagawin naming interpretative dance.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...