#6

38 3 0
                                    

Mainit pa talaga ang ulo ko. I'm still pissed on what he did. After kissing me in the rooftop he has the gut to look disgust on me?

Really???

But at some point, I'm relieved that he's not going to tease me. 

Mabilis ring natapos ang program sa hall at nagdeclare ng half day ngayong araw dahil doon.

"Tin!"

Tumingin ako sa babaitang lagi na lang nakabuntot sa akin. May dala-dala siyang snacks at kumakaway sa akin.

Nasa field ako ngayon at hindi ako umattend ng program kanina. Anti-bullying my ass! Hindi ko naman sila pinag-initan. Bullying ba ang isang beses lang na ipinahiya at ininsulto? They are overacting!

"Gosh! Nakakawalang angas ang ginawa mo kanina"

Inabot niya sa aking ang isang softdrink na nagyeyelo pa sa lamig at kaagad ko iyong tinanggap.

"It was because of Mila"

Kapag binabanggit ko ang pangalan ng babaita na 'yon, nag-iinit talaga ang ulo ko.

Dahil sa kaniya, matinding pagkababa ng pride ang ginawa ko.

Hindi ko naman deserve 'yon!

"Pero okay na din 'yon. Natuto ka na hindi ba?"

Masama kong tiningnan si Venice na nakangiti lang habang inaalok ako ng hawak niyang snack.

"Basta huwag ka ng sasabak sa gulo. Ayokong napapahamak ka"

Kaagad na nawala ang sama ng tingin ko kay Venice bago umiwas ng tingin.

Siya na lang talaga ang tunay na nag-aalala sa akin at naa-appreciate ko iyon.

Pero lintik lang ang walang ganti ano!

____

The next day, I'm with some boys today. They are some my admirers who dreamed to date me.

Alam kong nagkaroon na ng kasunduan about sa bullying. I know that. Klaro na sa akin iyon pero iyong mapahiya ako sa buong school?

I can't accept that easily.

I'm not an easy opponent.

They mess with me so I will mess with them too.

I'm a Villafuerte, I need a revenge.

Ang laki ng damage no'n sa reputation ko sa school at isa pa, napahiya ako. Kinailangan kong magbaba ng pride dahil sa kanila.

Lalo na diyan kay Mila.

"Alam niyo naman na ang gagawin diba?" Tanong ko sa isang lalaki na hula ko ang leader ng magbarkada na ito or representative nila.

"Oo naman. Basta ah...'yong deal natin" kumindat siya habang abot tenga ang ngiti.

Palihim akong umirap. Kung hindi lang talaga kailangan hindi ako makikipagdate sa lalaking to na isa rin sa mga admirers ko.

"Ofcourse basta siguraduhin mo na maayos ang kalalabasan. Make sure na matatakot ang babaeng 'yon. Nakita niyo na naman 'yong picture diba?"

Pare parehas nag tanguhan ang mga lalaking to.

I smile slightly. "Fine. Go!"

Sunod sunod na nawala ang mga lalaki sa harapan ko.

Lagot ka ngayon Mila.

Inayos ko ang suot suot ko bago graceful na naglakad mamuntikan lang akong matumba dahil may matang nakatitig sa akin.

The Rich And The CheapWhere stories live. Discover now