"Let's take a taxi" iyon ang sambit ko pagkalabas namin ng gusali.
Nauunang maglakad si Rhyme sa akin. Nakasukbit ang bag niya sa isang balikat. Ang uniform niyang pamasok ay bukas ang butones kaya kita ang sando niya sa loob. Napansin ko nga na maganda ang built ng katawan niya.
Kumunot ang noo ko sa mga iniisip.
"Ang mahal" giit niya.
"I'll pay for it!"
Lumingon siya sa akin. "Baka isumbat mo pa 'yan sa akin"
"Why would I do that duh?"
Parang namomroblema niya akong tiningnan. Kinamot pa niya ang magulong buhok.
"Sige. Bahala ka. Taxi tayo kung 'yan ang gusto ng prinsesa"
Mukhang hindi siya nagta-taxi. Baka hindi niya alam kung paano kaya nag-initiate na ako na pumara. Buti na lang mayroon ka agad nag-accomodate sa amin.
Pumasok na kami sa loob. Inilagay ni Rhyme ang bag sa hita niya. I put my hand bag on side.
I told the taxi driver my address. Pinasabi ko rin ang address ni Rhyme pero tumanggi siya.
"Mamaya na. Malaman mo pa, puntahan mo ako"
I scoffed. "Are you still thinking that I like you?"
Tamad siyang tumitig sa akin. "Bakit hindi ba?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Pigil na pigil ko ang umirap. Saan nanggagaling ang confidence niya?
"For your information. I didn't like you. As if I'll like someone cheap"
"Bahala ka tss"
"Talaga!" Pagmamatigas ko pa.
He tsked. May kinapa siya sa bulsa ng kaniyang bag na parang may hinahanap. Napatingin tuloy ako sa ginagawa niya.
"Amp. Wala nga pala akong earphone" mahina niyang sambit. Iritable pa siyang tumitig sa akin.
Ofcourse, ako ang sumira ng earphone niya. Hindi ko na nga natandaan 'yon.
Inis kong kinuha ang earpods sa bag ko.
"Is this suitable for your phone?" Tanong ko bago ko iabot ang earpods ko.
"Bakit?" Tanong niya bago inabot ang earpods ko.
"Test it. Pahiramin kita"
Kumunot ang noo niya, hindi ata maintindihan ang pagiging mabait ko sa kaniya.
"Just test it" I sighed.
Tahimik niya iyong sinuot sa tainga ang earpods ko bago tinesting sa cellphone niya. Maya-maya ay nakapikit na siya at sinarado ang phone.
That means it's working.
I just shrugged my shoulder and busied myself on phone. Kakatulog ko lang kaya hindi pa ako inaantok.
Nang medyo masakit na ang mata ko ay pinatay ko na ang cellphone bago ako napasilip kay Rhyme.
Malalim ang kaniyang paghinga, halatang malalim ang pagtulog. Mukha siyang pagod na pagod lalo na't kitang kita ko ang eyebags niya.
Napaisip tuloy ako. Paano nila napagsasabay ang school sa work? Kapag iniisip ko pa lang, napapagod na ako.
Halos 30 minutes din ang tinagal bago ako nakarating sa bahay namin. Ayoko sanang istorbohin ang tulog ni Rhyme pero kailangan ko siyang gisingin.
Tinapik ko ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya bago dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
"Oh?" Tumapat ang titig niya sa akin.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...