Galit ako.
Iyon lang ang nararamdaman ko kahit dalawang araw na ang nakakalipas. I feel so upset. Hindi ko matanggap na ginawa iyon ni Rhyme sa akin.
Given na may attitude talaga ako at may ginawa akong kasalanan sa kanila pero hindi niya ba nahahalata?
I admit that something in me had change.
Wala na akong ni-bully ever since nangyari iyon. I'm becoming a different person because...I want him to...have a different perception of me.
Ewan ko ba sa nangyayari sa akin. Bakit nga ba ako naapektuhan sa mga sinasabi ni Rhyme? Why I'm so determined to change his perception? Ayokong isipin niya na may balak ako kay Mika. Ayokong tumitingin siya sa akin ng may disgusto. Ayokong sabihan niya ako na immature ako.
But what did I get? Puro pambabastos galing sa kaniya.
Hindi naman siya appreciative na tao.
Kaya nang makita ko siya pagpasok ko ng room ay kaagad akong umiwas ng tingin at pumunta sa aking upuan.
"Ano na Tin?" Lumapit sa akin si Venice. "Ready na 'yong national costume niyo ni Rhyme. I-fitting natin mamamaya"
"Sige" tipid kong sambit.
"Hmmm bakit parang ang tahimik mo ngayon?" Usisa pa niya.
"Masama na ba maging tahimik? Wala ako sa mood ngayon Venice" I glared at her.
"Hmm...parang may nangyari. May tinatago ka ba sa akin?"
Wala akong gana ngayon sa pangungulit pero talagang tinetesting ako ng panahon dahil parehas kaming napatingin ni Venice nang may lumahad ng pink kong blanket sa aking harapan.
"Eto 'yong blanket mo. Nalabhan ko na. Salamat sa pag-alaga sa akin no'ng friday" ani ni Rhyme na nasa gilid ko ngayon.
Narinig ko ang bulungan ng mga classmates ko. Sumama naman ang tingin ko kay Venice dahil kinukuwit niya ako.
"Ano 'to ha? Anong pag-aalaga?" Rinig ko pang bulong niya.
I closed my eyes in annoyance. Kinuyom ko ang kamao sa sobrang pangigigil.
Ano na naman pakay niya? Why he's doing this? Another issue?!
"Tapon mo na lang" giit ko. I'm not planning to look at him.
I heard him tsked. "Nagtatampo ka pa rin?"
Umangat ang tingin ko sa kaniya sa gulat. What the hell?! Ano bang gusto niya at ginagawa niya 'to? Sa harap pa ng mga chismosang ito? Lalo na si Venice!
"Pwede ba?! Get out of my sight!" Kinuha ko ang blanket sa kaniya at binato ko sa kaniya pabalik.
I heard some loud gasp coming from my classmates but I don't care anymore.
"Sabi ko itapon mo ito. Do you think I'll use it again after you use it? Ayoko na noh! Ma-virus-an pa ako ng ka-cheap-an mo!"
Hindi naman iyon sobrang haba pero hinihingal akong natapos sa sobrang galit ko. Rhyme tsked as he picked up the blanket and go back to his original seat.
Inis akong umubob at wala akong planong kausapin ni sino man.
I'm upset and no one dared to go near me. Kahit si Venice ay lumayo na muna.
Nananatili akong tahimik. Ayokong may makausap ako dahil naiinis ako sa ginawa ni Rhyme ngayon-ngayon lang.
Lunch break na kaya nag-dismiss na ng klase ang panghuli naming teacher ngayong araw.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...