I only did that because I got pissed but I didn't expect what happened tommorow.
"Trending kayo sa HHU Confession!" Iyon ang bungad sa akin ni Venice pagdating ko sa school.
Ipinakita sa akin ni Venice ang Ipad niya at doon ko nabasa ang isang post.
Enemies turns into Lovers? Omg! Totoo ba? Christine Villafuerte and Rhyme Delos Reyes are dating?
Binasa ko ang mga comments na naando'n.
"Balita ko magkamasa daw sila kagabi e"
"Kanina may binigay na airpods si Rhyme kay Christine. Hiniram niya kagabi! Rinig ko 'yon"
"Nakita ko na nagbigay ng gift si Christine kay Rhyme. Confirm! Narinig ko na inihatid daw siya kagabi"
"Omg! Hindi ko akalain. Lagi silang nagkakasagutan sa room pero hindi ko alam na nagda-date na sila?"
"Infairness bagay sila!"
"True. Tsaka akala niyo si Rhyme na ang makapagpaamo kay Christine haha"
I scoffed. "Magpaamo? Niloloko ba ako nito?"
Tumawa si Venice bago inagaw ang Ipad niya. "Tingnan mo, trending ang RhyTine Loveteam sa campus!"
Puro #RhyTine ang nakikita ko sa HHU confession. Napahinga ako ng malalim. My ghad. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.
"Ayieee love team" tumataas pa ang kilay ni Venice.
Sinamaan ko siya ng tingin. Naiimbyerna na nga ako sa kakaasar ni Venice tapos mas lalo pang lumala. This is the worst school year of my life.
Pinauna na ako ni Venice papuntang classroom. Punta lang daw siyang office at may meeting siya. Bago pa ako ma-late, naglakad na akong papuntang classroom.
Pa-hallway na ako nang makita ko si Rhyme na sasalubong sa akin.
Tamad ang kaniyang mga matang tumingin sa akin. Tiningnan ko ang earphone na nakalagay sa kaniyang tainga.
So ginamit niya pala.
Bumili lang ako ng katulad niyang earphone. Ayon 'yong binigay ko sa kaniya sa canteen.
"It's original" I said while looking at his earphone.
Kumunot lang ang noo niya bago ako lampasan. I just scoffed.
The h*ck!
Hindi na nga nagpasalamat, suplado pa.
Since parehas kami ng room, magkasunod lang kaming naglakad. Masama ang titig ko sa likod niya. Hindi ko maisip bakit kami biglang naging loveteam? Halata naman ang hate namin with each other.
Ang cheap niya para i-partner sa akin.
Dahil nga parehas lang kami ng pupuntahan, magkasunod din kaming pumasok sa classroom. Nakita ko kaagad ang mga lihim na ngiti ng iba kong classmate.
"Ayieeee RhyTine Loveteam!" Sigaw pa ng Jugs na sinundan ng iritan.
Parang wala namang naririnig si Rhyme na umupo lang sa pwesto niya, sinubsob ang mukha at natulog.
He maybe tired from work again.
I just rolled my eyes, ignoring my classmates na lang. Sumilip ako saglit kay Rhyme.
Bakit wala siyang pakielam para dito?
I hate this.
Nagfocus na lang ako sa tinuturo ng teacher kaysa isipin pa ang mga sinasabi ng iba.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...