"Hey, do you have any plans on capturing Rhyme's attention huh?" Binangga ako ni Venice habang naglalakad ako sa hallway.
Another day, another sakit ng ulo ang school panigurado. But I'm a bit hopeful this time.
"Hmmm.." I just smile confidently. Kailangan pa ba ng plano? Kagandahan ko palang, nakakakuha atensyon na eh.
"Pa hmm...hmmm.." tumawa si Venice bago tinapik ako sa likod.
Bumusangot ako dahil halata ang pang-aasar ni Venice.
"Psh, just trust me okay?" Ngumisi lang ako sa kaniya bago pumasok ng room.
Una kong nadatnan ay mga babaeng nakatipon sa iisang lugar lang. Sa mismong tapat ni Rhyme.
Nakakita pa ako ng tiga ibang section.
Kumunot agad ang noo ko at nandiri sa nakita. Fuck! He's cheap but he get attention like this?
"Oops. Andami mo palang karibal" bulong sakin ni Venice na nagpataasan ng balahibo sakin.
"Damn Venice! It so gross" nandidiri kong ani. Tumawa lang ito bago dumako sa upuan nito.
Sinuklay ko ng pasimple ang buhok ko bago confident na tumungo kung saan man naroroon si Rhyme.
"Ehem ehem" tumikhim ako. Tikhim ng isang magandang babaeng tulad ko.
Ang mga babaeng nakapalibot sa kanya ay agad na napatingin sa akin. Agad kong nilabas ang isang signature na taray na tanging ako lang ang makakagawa. "Layas" malamig kong ani.
Buti na lang talaga nakuha sa tingin ang mga haliparot na babae at takot na umalis at nagsibalikan sa kanya kanya nitong upuan.
Ngumiti ako ng malapad bago tumingin kay Mr. Cheap. "Hi. Goodmorning!"
But instead of greeting back, I receive something else.
Imbis na tingnan ako pabalik ay nagsalampak ito ng earphone sa tainga at umubob.
Naramdaman kong nanigas ako sa kinatatayuan. Nakarinig rin ako ng mga mahinang halakhak galing sa mga babae kong kaklase.
"Sus akala kasi porket sikat dito ay papansinin siya"
"True. Tsaka may gana pa talaga siyang lumapit pagkatapos ng nangyari sa kanila"
"Siguro nilalapitan ulit kasi popular na sa campus"
I feel something boiling in my head. Tiningnan ko isa-isa 'yong mga haliparot na pinagchismisan ako at kaagad silang nag-iwas ng tingin. I want to hit them and throw some mean words but I'm more irritated to Rhyme.
I clenched my fist and put it on my waist before looking at the jerk.
He really testing my patience and how dare him to ignore me? Duh! I'm a Villafuerte.
"Cheap" tawag ko ulit pero hindi siya lumingon. Pumapadyak lang ang paa niya sa floor at parang aliw na aliw sa kanta.
Ghad! Why he is so rude?!
Dahil sa galit ko ay hinablot ko ang earphone na walang pagiingat kaya iyon naputol.
Tumigil sa pagpadyak ng paa si Rhyme kaya napangisi ako. Finally! Nakuha ko na ang atensyon niya.
"How dare you to disrespect me cheap?" Mahina pero maarte kong tanong.
Biglang tumahimik sa loob ng silid. Nakatingin halos lahat ng aming kaklase.
Dahang dahang nag-angat siya ng tingin at dumapo ang tingin niyang hindi ko gusto. Walang admirasyon do'n. He look at me like I'm nothing important or just a normal girl! Hindi ako basta babae! I'm a goddess! He should be attracted to me!
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...