Chapter 6 : Averen, a Viridian
AVEREN
Maingay ang paligid, mayroong mga nag-sasalita ngunit wala akong lakas upang intindihin pa ang mga salita na iyon. Hindi na ako nakakaramdam ng lamig, ang katawan kong kanina ay nanginginig, ngayon ay nakakaramdam na ng init. I am not freezing anymore.
I slowly opened my eyes and met a ceiling from a house. Natitiyak ko na nasa isa akong lugar na mayroong bubong at maaliwalas na paligid base sa aking nararamdaman. Kumportable ako ngunit hindi iyon magawang matanggap ng aking sarili. Unti-unti akong bumangon at iginala ang paningin sa aking paligid.
Ang lahat ng bampira sa silid ay tumingin sa akin, gulat na gulat ang mga mata ng mga ito habang nakatingim sa akin, tila hindi nila inaasahan na magigising ako. Isang lalaki ang lumapit sa aking puwesto. Purong puti ang suot nito ay mayroong siyang kakaibang kagamitan na nakasabit sa kaniyang leeg. May mga maliliit din na bagay ang matatanaw sa bulsa ng suot nitong puting coat.
Lumapit ang lalaki sa akin na mayroong ngiti. Naupo ito sa upuan na nasa tabi lamang ng malambot na bagay kung saan ako nakahiga kanina, ngayon ay kasalukuyang naka-upo.
"Gising ka na pala hija..." Ani lalaki at inihanda ang kakaibang bagay na gawa sa metal, kinuha niya ito mula sa kaniyang leeg. Isinuot niya ang metal sa kaniyang dalawang tainga at hinawakan ang bilugang dulo noon bago inilapat sa aking palapulsuhan.
Pumitlag ako sa lamig na aking naramdaman mula sa metal. Hinawakan ng lalaki ang aking kamay.
Mabilis akong nanginig at nawala sa sarili ng maramdaman ang pag-dampi ng kamay nito sa aking balat. My whole body immediately reacted to his touch as if it is traumatizing. Nanindig ang aking mga balahibo at sumigaw bago itulak ang lalaki.
"Huwag mo akong hawakan!" Tumili ako.
Dahil sa aking ginawa, naalarma ang lahat ng bampira sa loob ng silid. Ang tingin ng mga ito sa akin ay nag-iba, tila takot sila at determinado na pigilan ako. Their piercing eyes made my head go crazy. Sumigaw ako at nag-wala dahil sa pakiramdam na iyon.
"Hawakan niyo siya!" Utos ng mga ito sa isa't isa at nakaabang sa kamalian na gagawin ko upang kuhanin ang pagkaka-taon na iyon upang hulihin ako.
"What's this ruckus?" Isang boses ng babae ang aking narinig, mula iyon sa aking kanan.
"Lady Savani, umalis kayo d'yan. Wala sa sarili ang bampirang dinala ni Lord Asra!" Narinig kong sigaw ng isang babaeng naka-puti.
"What!? What are you doing? Hurry up and get her!" Utos ng babae kaya naalarma ako.
Isang kamay ang humawak sa aking braso. Naalerto ako at buong pwersang itinulak ang bampirang humawak sa akin.
"Layo! Lumayo kayo sa akin! H'wag niyo akong hawakan! Ah!" Paulit ulit kong isinisigaw ang salitang iyon, nag-nanais na makinig sila sa akin ngunit pilit pa rin nila akong hinahawakan at sinusubukang kuhanin.
Isang lalaki ang humawak sa aking palapulsuhan, masyado itong malakas kaya wala akong nagawa ng hawakan nito ang dalawa kong kamay. Patuloy lamang ako sa pag-pupumiglas kahit na hindi ako makawala sa kamay ng lalaki.
"Darwin, just shut her up!"
Dahil sa aking narinig, umakyat ang aking dugo. Mabilis kong iginalaw ang aking ulo upang gamitin iyon para atakihin ang lalaki sa aking likuran. Gumana naman iyon kaya't mabilis akong tumalon sa malambot na bagay kung saan ako nahiga kanina. Sa tabi noon ay may lamesa na may mga materyales, mabilis na nakita ng aking mga mata ang matulis na bagay mula roon kaya kinuha ko iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/287549654-288-k212353.jpg)
YOU ARE READING
Viridescent Blood
VampireAs the peace on the Vampire Region continues after the four family rules the region, in one dark castle, there lies a vampire who lived her life full of hatred. Having her whole family killed when she's still a little, Verena Verde seeks for revenge...