Chapter 8 : Western Region, The Return
Tahimik lamang ako sa aking silid ng umalis na si Savani dahil tapos na raw ang aniyang tungkulin sa loob ng clinic. Kanina pa itong umalis kaya kanina pa rin ako na naiwang mag-isa sa loob ng clinic. Hindi ko na napansin ang bilis ng takbo ng oras dahil sa malalim kong pag-iisip tungkol sa sinabi ni Savani kanina. Aniya ay aalis na sila patungo pabalik sa kaninang manor kinabukasan.
Mabigat ang aking loob tungkol sa bagay na iyon dahil iniisip ko ang aking sarili na maiiwan dito mag-isa sa oras na lumisan sila pabalik. But because of what Savani has told me earlier, I became curious about it, she told me if I really believe that Asra won't take me with him. Hindi ko gaanong naintindihan ang kaniyang pinararating ukol sa sinabi niya na iyon.
Madalasmag-sabi ng kung ano-anong mga bagay si Savani na siya lamang ang nakaka-intindi kaya nasanay na ako, ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi ako kuryoso sa mga bagay na iyon.
Sa huli, napilitan akong pag-pahingahin ang aking isipan dahil sumasakit iyon kakaisip ng mga walang kwentang bagay. Nahiga na muli ako sa aking kama at naisipan na munang matulog.
Maaliwalas at komportable ako sa aking posisyon kaya hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lamang ako na sarado na ang mga lampara at madilim na ang buong paligid, kung aking titignan, malamang sa malamang ay hating gabi na dahil wala na rin akong marinig na mga boses mula sa labas. Tahimik na ang buong kastilyo.
Tumayo ako mula sa kama ng makaramdam ng gutom. Doon ko namataan ang isang tray ng pagkain na palaging dinadala sa akin ng isa sa mga taga-pagsilbi ng kastilyo. Marahil tulog ako ng dumating ito kaya iniwan na lamang niya sa lamesa upang makain ko pa rin pagkagising. Tumungo ako sa direksyon noon at sinindihan ang isang lampara upang mag-silbing ilaw ko. Kaka-upo ko pa lamang sa upuan sa harap ng lamesa ay narinig kong bumukas ang pintuan.
Nilingon ko iyon at nakita si Asra na pumasok sa aking silid, sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakakilos ng mag-tama ang aming paningin. Sa tingin ko ay pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Tumikhim ako ng makabawi at tumuwid naman ito ng tayo bago isinara ang pinto sa kaniyang likuran.
"You're still up," He said and made his way towards me, sitting on the chair in my front.
"A-Ah, nagutom ako."
"Ngayon ka lang kakain?" He tilted his head, asking me while glancing on the food placed on the table.
I nodded and replied, " I fell asleep."
"Okay," Tumango ito at sumandal sa upuan. Nanatili naman akong pirmi, ramdam ko ang mga titig sa akin ni Asra kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
He's looking at me with furrowed eye brows. Base sa paraan ng kaniyang pag-tingin ay nag-tataka ito ngunit hindi ko alam ang dahilan, umismid ako."
"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong niya.
I blinked twice, surprised that it's the reason of his curious stares. Hindi ko inaasahan na inaantay niya pala akong kumain. The thought of me eating while he's watching in front of me made me feel embarass. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na umiwas ng tingin kay Asra.
My nervous hands reached for the spoon and fork. Nag-simula na akong kumain kahit pa naiilang ako dahil nasa harapan ko si Asra at pinag-mamasdan ako. Mabuti na lamang ay nakuha kong buoin ang aking sarili upang makatapos na kumain. Nang matapos na ako ay inilahad ni Asra ang kaniyang kamay sa akin.
Nag-tataka ko itong tinignan ng unti-unti niyang tiniklop ang kaniyang suot na long sleeve polo, natigil iyon hanggang sa kanyang siko. He's exposing me his hands and pulse. I stared at him, confused.
![](https://img.wattpad.com/cover/287549654-288-k212353.jpg)
YOU ARE READING
Viridescent Blood
VampireAs the peace on the Vampire Region continues after the four family rules the region, in one dark castle, there lies a vampire who lived her life full of hatred. Having her whole family killed when she's still a little, Verena Verde seeks for revenge...