Chapter 5 : Glowing Eyes
My heart wouldn't stop beating fast for some reason. When Elena told us to follow her so we can finally meet her Lady, the owner of this castle, I've been feeling anxious and excited at the same time.
I know that deep in my heart, I am very curious about the Lady that Elena is serving. Malaki ang posibilidad na siya ang aking nakita na nakatanaw sa bintana noong bago pa lamang kami pumasok sa kastilyo. There is something that has been bothering me about her. Hindi ko iyon masabi ngunit tila malalaman ko lamang ang rason kapag nakita ko na talaga ang lady na ito.
Her whole existence is eating my curiosity out of me.
Lumabas na kami ng dinning hall at nakasunod kay Elena upang makilala ang kaniyang pinag-sisilbihan. Habang nakasunod ako kay Elena ay napatingin ako sa aking dalawang kasama. They both look serious, tahimik lamang ang dalawa na tila inihahanda ang sarili upang makilala ang babae.
Hindi na sumama pa sa amin ang dalawang ivorian. Ang dalawa ay naghahanda na kasama ang ibang taga-pagsilbi sa labas para sa aming pag-alis. Sandali lamang naman kami upang makilala ang may ari ng kastilyo na ito dahil magpapasalamat lamang kami.
Tanging mga yapak lamang namin ang naririnig na tunog mula sa hallway na aming nilalakaran. Kagaya ng aking nakita kahapon ay patay ang mga lampara na naka-sabit sa dingding ngunit hindi ako nakakaramdam ng ano man na lamig.
Madilim ngunit may sapat na ilaw para makita ang buong daan. Habang patagal ng patagal ay lalo akong kinakabahan. Hindi ko makuha ang aking sarili, I am raised by my father, a person with a strict and confident demeanor. Hindi ko alam kung bakit sa pagkilala lamang ng mayroong puso na tumanggap sa amin ay kinakabahan ako.
Sa wakas ay tumigil na kami sa pag-lalakad. Nasa dulo na kami ng hallway dahil mayroong malaking dalawahang pintuan ang aming nasa harapan. Sa likod ng malaking pinto na nasa aming harapan ay ang bulwagan sa kastilyo na ito. Narito rin maging ang may ari ng kastilyo.
Humarap sa amin si Elena, taimtim lamang akong nakatingin sa kaniya, inaantay ang sunod nitong gagawin.
"Maiwan ko muna kayo rito." Anito at pumasok sa pinto na nasa aming harapan.
Naiwan kaming tatlo na hindi alam ang gagawin dahil nawala na ito sa aming paningin.
"We're finally going to see her, huh?" Basag ni Savani sa katahimikan na namamayani sa aming tatlo ng pumasok si Elena sa pintuan.
"I'm surprised, Asra. Hindi ko alam na kuryoso ka sa lady ng kastilyo?" Bumaling naman sa akin si Darwin ng tingin. Napaismid ako dahil nasundan iyon ng mga mata ni Savani na nag-dududa.
"I just wanted to say my thanks," I answered and looked away, avoiding their suspicious eyes.
"But I am curious about this lady. Hindi ko naririnig na may kastilyo rito. It looks likes it's hidden from the whole region. Does the elders know about this?" Tanong ni Savani sa kaniyang sarili.
"It's my first time seeing this too." Ani Darwin.
We are definitely curious about the lady of this castle. Hindi lamang ako dahil maging si Darwin at Savani ay kuryoso sa pagkatao ng babae na pinag-sisilbihan ni Elena. I don't blame them though, everything seems suspicious since we arrived yesterday.
Napapitlag ako ng makarinig ng pagbukas ng pintuan. Unti-unti ng bumukas ang pintuan ng bulwagan. Habang ito ay bumubukas ay para akong naugatan sa aking kinatatayuan ng makita ang malawak na bulwagan. Madilim at halos walang ibang ilaw na nag-bibigay liwanag sa buong silid. Ang tanging liwanag lamang na makikita mo ay ang mula sa isang bintana na bukas at tinatakasan ng sikat ng araw.
YOU ARE READING
Viridescent Blood
VampireAs the peace on the Vampire Region continues after the four family rules the region, in one dark castle, there lies a vampire who lived her life full of hatred. Having her whole family killed when she's still a little, Verena Verde seeks for revenge...