04

101 7 4
                                    

》JB

Oh my gosh! Seryoso talaga siya?! Akala ko nagbibiro lang siya at dafalhin niya lang ako sa kung saan. Akala ko nagyayabang lang siya!

"5...4...3..." Oh my gosh! I immediately fasten my seatbelt bago pa humugong ang makina nang sasakyan niya. Buti hindi niya natripang gamitin ang kotse ko, dahil sigurado akong sira-sira iyon pag-uwi.

"2...1!" Napakapit ako sa gilid nang biglang humarurot ang kotse niya.

"OOOOOHHHHH! MMMMMYYYY! GGGGGOOOOSSSSSHHHHH!" Tili ko nang magsunod-sunod ang pagliko nang kotse.

"Kalma bakla, mabagal pa nga to eh." Wika niya habang kalamdong naamaneho.

"Masyado nang mabilis to girl! Wala pa aketch balak matsugi! Hindi pa malaki ang kumpaniya ko!" Sunod na sunod na sigaw ko but the side of her lips just hooked up.

"Trust me, hindi ka pa mamatay. I won't allow it..." Wika niya. Hindi ko alam pero kumalma ako bigla nang hawakan niya ang kamay ko. "Saka papatayin ako ni Kuya kapag ibinangga ko itong sasakyan niya. Huwag ka nang mag-isip nang kung ano and look straight ahead para hindi ka mahilo."

Kumapit na lang ako sa seatbelt ko, wala pa anong balak mamatay ano?! Halos mauntog ako nang bigla siyang magdrift, saan ba to? Sa tagaytay?! Bakit parang bituka ata nang manok ito?!

"Talk to me, para madistract ka. We're still approaching halfway the track, you have to calm down." Pag-alo niya sa akin. "Street racing ito hindi ko pwedeng bagalan, ayoko namang matalo sa pustahan. Pang-almusal din natin iyong iba doon, tapos pang-gas nitong si Calandra."

"Reckless Driver ka girl! Iyan ang sabihin mo!" Sabi ko pa nang malakas, hindi kasi niya maririnig dahil panay ingay nang gulong nang sasakyan ang naririnig ko dito sa loob. "Kung iyong gas lang ang inaalala mo, I can pay for it. Iyong breakfast it could be my treat, kaya please igilid mo na ito!"

"Nah, you came with me, you invited yourself. It's my rules since this is my territory." Sagot niya. "Right, Calandra?"

"Lucresia Kasilag!!!" Sigaw ko nang mapansing parang tatalon kami.

"Kumalma ka, that's a short cut." Wika niya at pinatalon nga nang gaga ang sasakyan.

"LUCRESIA KASILAG!!! HINDI KO PA BET MAMATAY!!!" Sigaw ko habang nasa ere ang sinasakyan naming kotse. Halos mauntog ako dahil sa impak nang makalapag na ulit kami sa kalsada.

"Calandra baby! That was great!" She said driving faster than before. Nasusuka ata ako my gosh, kailangan ko nang makababa. "May plastic diyan sa bulsa nang shotgun seat kung nasusuka ka."

"Girl kung may plano kang patayin ako sabihin mo lang." Wika ko nang mailabas ang laman ang tiyan ko.

"Kung papatayin kita noon ko pa ginawa, isa pa mauuna akong mamatay dahil ako naman ang nagmamaneho nito." Katwiran niya. I have to admit na may point naman siya pero wala pa talaga akong balak mamatay.

"May point ka naman, pero girl wala na akong mailabas!" Reklamo ko.

"Eh kung wala, eh wala." Wika niya at pinatay ang makina. Doon ko lang napansin na nakabalik na kami sa starting line. "Huwag kang lalabas, kukuhain ko lang ang panalo ko."

Tumango lang ako at hinintay siyang makabalik. Ang shaket nang tiyan ko, pero wala na akong mailabas. Gagang babaeng iyon, madedehydrate pa ata ako bwisit. Ni hindi ko man lang nasilayan iyong mga fafabol na sinasahi niya. Papatulan ko iyon kahit disinuebe anyos, hindi na siya talo mayaman naman ako.

"Drive thru muna tayo, gutom na ako." Wika niya nang makabalik.

Maayos na naman ang pagpapatakbo niya nang makabalik kami sa main road. Kaso may napansin ako... nakumpirma ko lang nang makailang liko kami.

F O O L S  I N  L O V EWhere stories live. Discover now