》JB
Ay Kaloka! Alam kong designer ako pero hindi niya na ako kailangang yakapin pa. Germs!
"Sir, may aplikante po kayo sa loob." Wika ni Librada.
"I'm expecting her and she's hired as my secretary. Pwede ka nang bumalik sa dati mong department." Utos ko bago kuhain sa kaniya ang Tab. Hindi na siya nakaimik at napilitan na lang umalis. Minsan nakakainis talaga iyong mga mujer, masyadong assuming. Pati ang hindi nila trabaho inaassume nilang sa kanila, my gosh.
Napataas ang kilay ko nng marating ang floor ko, iba rin itong si Gregorio. Lahat nang naging sekretarya ko nilandi na niya, kung hindi lang siya gwapo nasisante ko na siya noon pa.
"Good Morning Lein," Bati ko bago ako gumarap dito kay Gregorio. "Anong nangyayari dito?"
"Ah wala, niyaya niya akong magcoffee muna habang naghihintay sa iyo Sir." Paliwanag nito ni Mujer.
"Ano pang ginagawa mo rito Gregorio? Sinesweldohan ba kita para tumunganga?" Asik ko rito.
"A-Ah Boss hindi, babalik na nga po ako sa trabaho." Palusot niya bago lumayo.
"Take your post na girl, kagagaling ko lang sa isng kliyente. Unahin mo nang ayusin ang schedule ko bilis." Tulak ko sa kaniya. "Iyan ang table mo, katok ka lang kapag may kailangan ka. Tatawag naman ako sa iyo kung may kailangan ako, okay?"
"Yes Sir John," John? Hindi JB? Bakit? "Eto nga pala iyong mga dokumento ko."
Tinanggap ko iyon bago pumasok sa loob nang opisina ko. I went through her computer oara makita kung ano ang ginagawa, ang bruha ang bilis magtrabaho.
"Sir, mirienda niyo po." Wika nitong hitad na
to.
"Did I told you to come in? Did I asked you to bring me this?" Ang mga hitad talaga nakakaloka! "I told you to go back to your Department, Miss Librada. Ulitin mo pa ito at isusunod kita kay Martinez, hindi ako natutuwa sa pag-aassume mo sa isang pwestong hindi ko naman ibinigay sa iyo."
"S-Sorry po, Sir." Tingnan mo to? Nakuha pang mautal at magpaawa at the same time.
"Get out!" Singhal ko rito bago bumalik sa trabaho. Nakakastress, my gosh! Tataas pa yata ang presyon ko sa mga utak talangka kong empleyado.
Nasa gitna ako nang pagtratrabaho nang biglang magring ang telepono sa tabi ko. Napabuntong hininga at pikit na lang ako sa gulat.
"John Benedict Limaco speaking." Bungad ko sa kabilang linya.
"Ah Sir, may mga tao dito sa labas. Kaibigan niyo raw po, papasukin ko ba?" Napasulyap ako sa labas ng opisina, ang mga gaga naisipang dumalaw.
"Yes please let them in." Sagot ko rito. "You're doing a great job Miss Rodriguez. Lagi mo akong tatanungin kapag mayroong bisita ha."
"Yes po sir." Just as that said the door of my office suddenly burst open. Ang mga gaga may papictorial pa ang trip, kailangan bongga ang entrance?
"Ang Reyna ng mga bakla back to business na ulit?!" Pabirong bati sa akin ni Keith ang pinakabaklang-bakla sa aming magkakaibigan. Siya lang ang nakaamin na at nakalabas na ng kloseta.
"Bunganga mo chararat baka marinig ka nang emplayada ko." Saway ko rito...
"At saan mo naman napulot iyon?" Tanong ni Maxi, pinsan ko sa side ni Dad.
"Sa resort mo." Sagot ko sa kaniya habang nakatutok pa rin ako a trabaho.
"Ang gara ni Mayora, walang tinginan basta sagot na lang. Multitasking yarn?!" Isa pa itong si Storm, apaka! Kala mo kung sinong maganda.
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...