》JB
"Anong ibig niyong sabihin?"
Iyan ang tanong ko sa kanila nang marinig ko ang pangalan ko pagkalabas na pagkalabas ko ng back door. Pinagtritripan kasi ako nang tatlong bakla kaya umalis ako.
"Ginagawa mo dito baks?" Tanong ni Ferez sa akin. Pero hindi ko siya napansin, dumako kasi ang mata ko sa braso niyang nakapulupot sa leeg ng mujer na ito, at ang gaga mukhang nag-eenjoy!
"Narinig ko ang pangalan ko," pinaningkitan ko sila ng mata. "Are you guys talking behind my back?"
"Talking behind your back? Ha! As if!" Wika nito bago ibalik ang tuon kay Lein. "Sinasabi ng baklang to?"
"H-Hindi ko rin alam." Tugon nito.
"Ikaw Miles may alam ka ba?" Nakangiting tanong niya sa kapatid ni Storm.
"Wala since it's not my business." Makatwirang tugon niyo bago ako lampasan at maglakad pabalik sa loob. He looks completely uninterested. "Anyway! Tigilan mo kakapapak kay Ate El, baka maubos iyan!"
My eyes widen at the two nang marinig ko ang pahabol na sabi ni Miles. "Anong sinasabi noon?"
"He, wala naman." Ngising wika ni Ferez. Nakita ko ang ginawang paghalik niya sa pisngi ni Lein bago siya umalis.
Samantalang si Lein naiwang tulala at nakanganga. Halik pa lang sa pisngi iyon nagkakaganiyan na siya?
"Hoy babae!" Tawag ko sa kaniya and she seems to snapped out of it. "Hinalikan ka lang sa pisngi nanigas ka na?! Akala ko ba hindi mo gusto ang tiborciang iyon?!"
"H-Hindi ko naman talaga siya gusto eh." Turan niya. "H-Hindi naman siya ang nakatakda para sa akin eh."
"Eh bakit nakikipaglandian ka?"
"Hindi po ako nakikipaglandian, Sir. Siya po ang gumagawa nang nga bagay na iyon sa akin. Sinabi ko na rin sa inyo na hindi ako nanakit nang kung sino-sino." Paliwanag niya nakatingin ng diretso sa akin. "Isa pa kaibigan niyo po si Sir Ferez, kapag nasaktan siya magagalit ho kayo sa akin panigurado."
"Wala akong pake sa baklang iyon." Tugon ko rito. "Babae ka girl, daig mo pa nagpapamolestiya sa tiborciang iyon."
"Sir may gusto po ba kayo kay Sir Ferez?"
Natigilan ako sa tanong niya. Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon? Saka bakit ko naman magugustuhan ang tiborciang iyon?
"Kilabutan ka nga chararat, hindi ko papatulan ang baklang iyon."
"Eh bakit kayo nagagalit? Hindi naman po masamang mapalapit ako kay Sir Ferez at sa mga kaibigan niyo hindi ba?"
"Ako nagagalit? Bakit ako magagalit? Concern lang naman ako sa empleyada ko. Hindi rin ako nangungunsinti ng kabaliwan ng mga kaibigan ko." Paliwanag ko sa kaniya.
"G-Ganoon po ba." Agad siyang nag-iwas ng tingin bago napatingin sa relo niya. "Ay sir! May meeting kayo with Mr. and Soon-to-be Mrs. Vargas in two hours! Sorry nakalimutan ko ho."
"Two hours pa naman, kumain muna tayo." Sabi ko sa kaniya. "Sayang ang mga niluto ni Storm."
"Naalala ko, Sir! May gagawin pa pala ako, mauuna na ako." Sabi niya. "Ihahanda ko na rin po ang mga gagamitin niyo para mamaya."
"I said kumain muna tayo."
"Okay lang ako sir, I'm flexible. I can eat while working." Tugon nito bago pumasok sa loob sumunod naman ako sa kaniya. "Isa pa ho gahol na tayo sa oras nakakahiya kina Mr. Vargas."
"Oh saan ka pupunta merlat?" Tanong ni Keith habang nakataas pa ang paa sa sandalan ng couch.
"Sorry po, may aasikasuhin pa po kasi ako. Saka may meeting si Sir with Mr. Vargas, ihahanda ko lang iyong mga kakailanganin para siya na lang ang kulang mamaya." Paliwanag niya. "Sorry po talaga, babawi na lang po ako sa susunod."
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...