》JB
She's been acting more weird the past few days. Simula noong pinapanood ko iyong mga educational videos sa kaniya, lagi niya akong tinitingnan ng masama kapag makikita niya ako.
Lalo lang nagimbal ang pagkatao ko nang ayaw niyang ibigay sa akin iyong Laptop ko. Tapos doon siya sa sofa sa sala natutulog yakap-yakap niya iyong laptop na parang mas mahal niya pa iyon sa akin. Parang nagkamali pa ako doon sa desisyon kong iyon.
"So anong gusto mong gawin ko?" Tanong ni Ferez. Pinapunta ko kasi siya rito, kaya niyang makabasa ng isip so I thought.
"Read her mind," sabi ko sa kaniya. "Nawi-weird-uhan na ako sa ikinikilos niya."
"Bakit?"
"Please," pakiusap ko sa kaniya.
"Fine," nilapitan niya si Lein at nakipagtitigan siya rito. Bigla na lang siyang tumawa, napahiga pa ito at nagpagulong-gulong sa sahig.
"Bakit? Ano iyon?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahahaha!" Tawa pa niya at tinapik ang balikat ko. Hinila ko iyong buhok niya para tumahimik siya. "Aray naman bakla!"
"Sasabihin mo o tatawanan mo lang ako?"
"P◇rn," sabi niya. "Nanood siya ng porn sa sobrang curious niyang malaman kung paano bumuo ng bata."
"T@ng!na mo! Sigurado ka?"
"Oo nga bakla, 'to naman!" Sabi niya habang nagpipigil ng tawa. "Tigang lang kayo pareho eh."
"Lumayas ka na," sabi ko sa kaniya. He disappeared in front of me.
"Lein," tawag ko sa kaniya. She's jumpy at dahan-dahang lumingon sa akin. The look in her eyes is like that of a cat. "Akin na iyang laptop."
"A-Ayaw."
"Akin na," madiing sabi ko. Nilapitan ko na siya para makuha ko iyong laptop pero mahigpit niya iyong niyakap. "Ibigay mo na sa akin, Lein."
Inirapan niya ako, sinubukan kong hilahin tinampal niya iyong kamay ko. Mabigat nga pala ang kamay nang babaeng ito.
Pinaglapat ko ang labi namin, I felt her stiffen on the spot. Maya-maya pa ay umangkla na ang dalawang braso niya sa batok ko. I got her up, wrapping her legs around my waist.
She broke the kiss and gasped for air. I chuckled and gave her a peck on her lips. She gave me a surprise look I can't help but smile. How is she so cute?
Napatungo siya siguro ay nahiya sa ginawa niya. Mukha siyang baby ngayon na nagpapabuhat at tampong tampo.
"What did you found out?" Tanong ko sa kaniya. "Anong napanood mo Lein?"
"Kung p-paano gumawa n-ng supling..." nahihiyang tugon niya sa akin.
"It looks painful right?" Tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtango niya sa may leeg ko. "That's why I don't want to do it yet with you, I want you to remember first. How we did it the first time, the second time the third time and so on. Para hindi ka mabigla, hindi naman ako nagmamadali."
"Sabi mo gusto mo ng anak," mahinang sabi niya.
"Oo, gusto ko. Pero makakapaghintay iyon," sabi ko pa sa kaniya habang hinahaplos ang likod niya. "Kaya kitang hintayin kahit gaano pa katagal, Lein. Hanggang sa araw na handa ka na."
"Gusto kita," mahinang sabi niya. Napangiti na lang ako, ang sakit niya sa puson.
"Mahal kita, Lein." Pinupog niya nang halik ang mukha ko. Napahagikhik na lang ako sa kiliting hatid noon sa akin.
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...