09

66 4 0
                                    

》Lein

Masyado pang maaga, paano nangyari ang bagay na to? Dahil ba nahanap ko na si Sir John? Isa pa iyon, nagdahilan akong may sakit ako. Pero mukha ngang magkakasakit ako rito.

"What do you guys think? You should go on a date para magkakilanlan kayo." Mukhang tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya.

"Kung pahihintulutan ng Dayang." Nakangiting turan ng lalaking kasama niya.

"Matagal na akong iwinaksi ng karagatang Pasipiko. Hindi ko naunawaan kung bakit pilit akong iniuugnay ng aking ina sa lugar na hindi ko na kilala."

"Eleina, kahit kailan ay hindi ka itinakwil ng iyong ama. Sa totoo lamang ay siya pa ang nagbigay permiso upang magtungo kami rito." Wika nito. "Sapat na siguro ang higit isang dekadang pananatili mo sa lupa. Panahon na para bumalik ka sa ilalim, wala kang mapapala sa taong iyon. Mauubos lamang ang iyong oras, hinding hindi siya lilingon sa iyo."

Hindi ako nakasagot, naalala ko lang ang pag-uusap namin kanina.

"Mawalang galang na ho, pero  kailangan naming mag-usap ng sekretaya ko." Sir?! Anong ginagawa niya rito? Napatingin na lang ako kay kuya and he even gave me a thumbs up.

"May pinag-uusapan kami ng anak ko. Huwag kang bastos hijo, pwede kayong mag-usap kapag wala kami dito." Matigas na turan nito.

"Hindi ho ba mas nakakabastos kayo ng sarili niyong anak. She obviously doesn't like him." Ano bang ginagawa niya?!

"Sino ba ang lalaking ito?!"

"Mommy kumalma kayo. Kuya, pakidala muna sa hapag si Sir John. Mag-uusap kami mamaya, tatapusin ko lang itong pag-uusap namin ni Mommy."

"No! Bastos ang binatang iyan! Ano ba ang ginagawa niyan dito?! Sir?! Bakit ka nagtratrabaho?! Isa kang Prinsesa! Isa kang tagapagmana! Ikaw ang susunod na mamumuno sa karagatang Pasipiko, anak ka ng isang Hari anong pinaggagawa mo sa buhay mo rito?!" Halos umusok ang ilong niya at tila machine gun ang bibig sa sunod-sunod na itinanong niya. Napatakip na lang ako ng mukha nang mapagtantong lahat ng iyon ay narinig ni Sir John. Papasok pa lamang sila ni Kuya ng kusina.

"Umalis na kayo." Wika ko matapos mapahilamos ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

"Ako ang iyong Ina at hindi ka dapat nakikipag-usap sa akin sa ganiyang tono ng pananalita."

"Umalis na ho kayo." Madiing sabi ko.

"Hindi kita pinalaking ganiyan, saan mo natutunan iyan? Sa lalaking iyan?!"

I slammed both of my hands on the table bago ko sila bigyan ng masamang tingin.

"Hindi kayo ng nagpalaki sa akin, kaya umalis na kayo bago ko maisipang maging cannibal at makapagprito ako ng isda at ahas tubig." Banta ko sa kanilang dalawa.

"Hindi kami aalis dito nang hindi ka kasama."

Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa braso ko. Pumagitna siya sa amin ng aking ina.

"Hindi siya sasama sa inyo."

"Tagalupa, wala ka sa posisyon para makielam. Sa totoo lamang, wala ka dapat alam tungkol sa amin. Ang inyong pagtatagpo ay isa lamang pagkakamali, hindi kailanman nauuwi sa maganda ang relasyon sa pagitan ng isang tao at isang nilalang nakagaya namin."

"Hoy mudra! Mandiri ka sa pinagsasabi mo! Wala kaming relasyon ng junakis mo! Concern lang ako kaibigan ko iyan!" Gigil na wika ni Sir John.

Nakita ko ang pagsilay ng malawak na ngiti sa labi ni Mommy. Wala na, nagkaletse-letse na lahat.

"One of these days babalik si Eleina sa ilalim at hindi na siya muling lulutang para mamuhay dito sa lupa." Makahulugang turan ni Mommy rito. "At ikaw binabaeng tagalupa ay maiiwanan magisa hanggang sa iyong huling hininga."

F O O L S  I N  L O V EWhere stories live. Discover now