》Lein
Sino ba siya? Bakit hindi ko maalala? Tapos si Umbo Alec, tumanda! Pumangit! At iyong bampira at dalawang pusa kaibigan daw namin sila.
"Lein?" Napalingon ako nang marinig ang boses niyang tinatawag ako. "Halika rito."
Lumapit siya sa malambot na higaang inuupuan ko at niyakap ako.
"Matulog na tayo," malambing na sabi niya. Nag-init ang mga pisngi ko, nahihiya ako kasi ang lapit niya. Napakakisig niya at lagi siyang nakaalalay sa akin. Napakabango pa niya, saan kaya niya nakuha ang langis na ginagamit niya?
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig niya. Tuluyan nang nag-init ang mukha ko nang halikan niya ang noo ko. "Matulog na tayo, ha?"
Niyakap niya ako palapit sa kaniya. Kung siya ang kabiyak ko, ibig sabihin lang noon ay nagsinungaling sa akin si Edurne. Bakit niya iyon ginawa? Bakit niya ako inilayo sa Ginoong ito? Isa pa ni hindi ko man lamang natanong ang kaniyang ngalan ngunit heto ako at dinarama ang init ng yakap niya.
Naalimpungatan ako sumunod na araw pagkat hindi ko maapuhap ang katabi ko nitong nakaraang gabi.
"Ginoo!" Tawag ko. Kumapit ako sa isang kagamitan para lang makatayo ako, hindi ako marunong tumayo at maglakad kagaya ng mga taong kagaya niya. "Ginoo nasaan ka?!"
"Ginoo!" Lumabas ako sa lagusan kung saan kami madalas dumaan. "Ginoo nasaan ka?!"
"Lein?!" Nakita ko siya lumabas mula sa isang silid, basa ang katawan at may piraso nang tela na nakapulupot sa kaniyang tiyan.
"Ginoo!" Natutuwang tawag ko sa kaniya, akala ko ay nawala na siya at iniwan na niya ako rito. Mabilis siyang lumapit sa akin at inalalayan ako.
"Nanginginig pa ang binti mo, dapat ay hinintay mo na lang ako doon sa kwarto natin." Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa malambot na upuan.
"Dito ka lang, manood ka na lang muna." May binuksan siyang isang malaking parisukat. Doon ko nakita na mayroong mga taong gumagalaw sa loob. Nakulong ba sila diyan? Isinumpa ba sila kaya sila nasa loob niyan?!
"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya sa akin, may soot na siyang damit.
"Ginoo," naiiyak na tawag ko sa kaniya. "Ikinulong mo ba sila diyan?"
Tinitigan niya ako at tumaas ang isang kilay niya bago sumilay ang ngiti sa labi niya at tumawa.
"T.V. ang tawag diyan, walamg nakakulong diyan Lein." Umupo sila sa tabi ko at nagsimula na siyang sabihin at turuan ako ukol sa mga kakaibang bagay dito sa kaniyang tahanan.
Natutunan ko kung paano gumamit ng remote at ng T.V. Madaming palabas, nakakaaliw.
"Ginoo?" Tawag ko ulit sa kaniya. Napatigil siya sa ginawa niya at nilingon ako. "Gutom na ako."
Ngumiti siya at humarap nang maayos, may dala siyang plato na mayroong pagkain.
"Ginoo?" Tawag ko ulit sa kaniya habang sinusubuan ako.
"Ano iyon?" Tanong niya, pinunasan ang bibig ko.
"Anong pangalan ng Ginoo?" Tanong ko. "Kilala ako ng mabuting ginoo ngunit kahit pangalan niya ay hindi ko batid."
"John Benedict," tugon niya. "John Benedict ang pangalan ko. Imbis na JB ang itawag mo sa akin noon, John ang ginagamit mo pangtawag sa akin."
"John..." hindi ko alam pero pakiramdam ko ay napakasaya ko. "John Benedict..."
"Ano iyon?" Nakangiting tanong niya. Gumanti ako nang ngiti sa kaniya at niyakap siya.
"Lein, sabihin mo sa akin agad kapag may naaalala ka na ha?" Napatingala na lang ako sa kaniya. Napakaganda niyang lalaki, napakakisig ngunit napakalungkot ng mga mata niya.
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...