13

64 5 0
                                    

》JB
Things went well for us, but that doesn't seem to be the case with Alec. Akala nang babae ay nagbibiro lang ito, we even have to force her to look at his true form.

"Teka lang!" Sigaw nito sabay ikot. "H-How is this possible?"

"Everything's possible, Janice."Wika ni Lein. "Mahal mo naman ang Kuya ko 'di ba?"

Inabutan ko si Alec ng bathrobe at tuwalya.

"D-Does that mean ganoon ka rin?"

"Gusto mong makita?" Alok nito sa babae, nanahimik lang ako sa isang tabi.

"N-No, huwag na." Tanggi nito. "Alec, c-can you give me some time?"

"Wala nang oras ang Kuya ko." Wika ni Lein. "Maglalaho siya at papatayin kita kapag nangyari iyon."

"Anong, a-anong sinasabi mo?"

"Kung nagbasa ka ng children's book tungkol kay Ariel noong bata ka pa, mauunawaan mong magiging bula si Kuya. Kailangang maikasal siya sa iyo sa lalong madaling panahon." Paliwanag pa ni Lein. "At mailatag sa katawan mo ang marka. Wala ka naman nang magiging problema pagkatapos, dahil hindi kami tumitingin o lumilingon sa iba."

"Ate Ina!!!" Ha? " Kuya Al!!!"

May nakita ako doon sa may batuhan, lalaki kamukha ni Alec.

"Sabi ko na eh! Ikaw ang naamoy ko!" Sigaw pa nito habang nagkakakaway.

"Peril!" Masayang bati sa kaniya ni Lein na ikinakunot ng noo ko. "John, kumuha ka pa ng tuwalya at bathrobe sa taas."

Sinunod ko ang sinabi nito, maya-maya pa ay nakita kong naiahon na ng magkapatid ang lalaki.

"Kailan ka pa nakabalik?" Dinig kong tanong ni Lein rito nang makabalik ako.

"Ah, kagabi. At hindi pa ako nakakabalik, bumisita lang ang ikatlong Prinsipe ng Atlantiko  sa ating kaharian." Wika nito habang tinutuyo ko ang binti nito. "Naaamoy ko si Ate sa iyo... ikaw siguro ang itinakda sa kaniya."

Napatingin ako nang matantong ako ang tinutukoy niya. "Pero bakit hindi pa kumpleto ang Marka?"

"Peril..." may babalang saway nito.

"Ate, hindi magandang sinyales ang bagay na ito... Lalo pa't bumisita si Prinsipe Edurne dahil sa balita." Nagbabalang sabi nito sa Ate niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bata pa lamang ay malapit na si Ate Ina sa Prinsipe Edurne ng Atlantiko." Paliwanag ni Peril. "Hindi na lingid sa aking kaalaman na itinatangi ng Prinsipe si Ate Ina. At inaasahan niya na sa pagbabalik ni Ate ay mapapabilang siya sa mga mapapangasawa nito."

"Hindi ako ang itinakda, hindi mangyayari ang mga ipinahiwatig mo." Wika ko.

"Ano pa man ang sabihin ng Prinsesa ay hindi mababagong bunsong anak ka pa rin ng ating Hari. Ikaw ang itinakdang susunod na pinuno ng ating kaharian matanggalan ka man ng Titulo at iwaksi ka man ng iyong ama."

"Teka nga naguguluhan ako!" Sigaw ni Janice na kanina pa nanahimik. "Akala ko magkapatid kayo?"

"Magpinsan talaga kami, babaylan ang kanilang ina na kapatid ng aking Amang Hari. Nang tanggalan ako ng titulo inampon ako ni Tiya." Paliwanag pa ni Lein.

"You must be Kuya's love of his life." Nakangiting sabi ni Peril nang matuyo at maging mga binti at paa ang buntot nito. "Magaling talagang pumili ang lahi namin."

"Peril, pumasok ka sa loob. Susunod kami." Utos ni Alec rito.

"May pagkain ba?"

"Magluluto ako," wika ni Lein hinawakan naman niya ang kamay ko bago kami sumunod doon sa Peril na iyon. "You're upset, what was it?"

F O O L S  I N  L O V EWhere stories live. Discover now