》Lein
I look at myself in the mirror, I feel fuzzy. Umuumbok na kasi ang tiyan ko. Kaunti lang naman kaso nag-aalala ako para doon sa isosoot ko. Hindi ko pa naman nakikita dahil surprise daw iyon sabi ni John.
"Ms. Lein," tawag sa akin ni Aurora. Siya ang make-up artist sa kasal, kaibigan ni Ferez. She started testing swatches on me nang makalapit siya sa akin. Isa siyang babaylan at tagapaglingkod ni Bulan, noong nawawala ako sa ilalim ay siya ang tinakbuhan ni John.
"Huh?" napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. "B-Bakit ka umiiyak?"
Huh? Ako umiiyak?
Napahawak ako sa pisngi ko, doon ko lang napansin na basa na pala iyon ng luha.
"Nako naman, masama iyan sa mga bata," wika niya at pinahiran ng tissue ang luha ko
"S-Sorry."
"Tahan na," wika niya. "Halika kakain tayo, saan mo gusto?"
Ang ending napunta rin kami sa fastfood, Jollibee. Napagalitan na ako ni John before dahil hindi daw mabuti sa baby namin. Ano namang magagawa ko? Cravings 'to eh, alangan nang gutumin ko ang anak namin.
Baby kumain ka lang ng kumain, si Mama at Papa na ang bahala sa ipakakain sa iyo.
"Aura," tawag ko sa kaniya hindi pa siya tapos kumain.
"Ano iyon, buntis?"
"Gusto ko ng ice cream na may seaweed."
"Saan naman ako kukuha noon?!" tanong niya.
"Kahit iyong Nori Wrapper lang," hiling ko sa kaniya. Napapakamot siyang umalis, maya maya pa ay may dala na siyang isang tub ng vanilla ice cream at isang packet ng roasted seaweed. "Thank you Aura."
"Sus, ikaw pa, malakas ka kay Bulan." Pinagpatuloy niya ang pagkain.
Nagpasama naman sa Department Store sa isang section kung saan naka-display ang gamit ng baby. Masyado pang maaga, pero ang cute naman kasi. Sa susunod na punta ko rito kasama ko na si John.
"Buntis," tawag sa akin ni Aura. "Hindi niyo pa alam ang gender."
"Tinitingnan ko lang," wika ko sa kaniya. "Ikaw? Wala ka bang balak magka-anak?"
"Wala ngang asawa, mag-anak pa kaya?" Malungkot ang ekspresyon sa mukha niya. May iniisip siya, may nagugustuhan siguro siya.
"Gusto mo ba si Ferez?" tanong ko sa kaniya. Ilang saglit din siyang nakatulala sa akin hanggang sa mamula na ang pisngi niya.
"A-Ano?!"
"I see..." nakangiting wika ko.
"H-Hindi no!"
"Late reaction," I giggled until I saw someone in front of me.
"What do we have here?" Anong ginagawa ng bitsesang 'to rito? "Ano? Hanggang pangarap na lang bang mabuntis ka ni JB? Hindi ka magiging mommy ng anak niya dahil pampalipas oras ka lang!"
She showed her baby bump to us and I'm pretty sure it wasn't there months ago.
"Are you sure about?" sabad ni Aurora sa tabi ko. " Looks like the invitation didn't reach you. More or less you might not be invited."
"Aren't you the woman living on top of a hill?" Pinasadahan niya ng tingin si Aura mula ulo hanggang paa.
"Maganda hindi ba?" confident na wika ni Aura.
"You're that witch!"
"Excuse me? Anghel ako, kung mayroong mang mukhang bruha sa ating dalawa ay ikaw 'yon."
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...