10

75 3 0
                                    

》Lein

Ugh! Muntik nang mabuko si Ferez at Sir Storm! Ang bibig kasi ni Kuya minsan eh, walang preno.

"Let's eat? Sa fastfood?" Pag-aaya niya.

"Okay na Sir, hindi ako gutom so you should go home. Maaga akong papasok bukas para matulungan kayo."

"Pinaaalis mo na ba ako girl?" Tanong nito. "Nagpunta pa naman ako dito dahil akala ko nakaratay ka na, makipagkwentuhan sana ako habang inaalagaan ka ng Kuya mo."

"Hindi ako maalagaan ni Kuya, masyado siyang busy sa babaeng itinakda sa kaniya. Sa tanang buhay naming mga sirena isang babae o lalaki lang ang mamahalin namin. Kapag hindi nila kami tinanggap o gusto man lang we'll be doomed." Paliwanag ko sa kaniya. "It will only take a year before we turn into seafoam, that's why Kuya, although he got rejected multiple times sinusubukan niya pa rin, kaya busy siya. As for my case I can get married to a dozen men of different species, it's in the blood since I was suppose to be the heir. I can do that, but like my mother, a Queen she was cast aside because my father also chose a human and as a result Miella was made."

"Also?"

"I actually met him already, my mate." Tugon ko rito habang nakahiga ako sa sofa habang nakaupo naman siya sa sahig sa harap ko.

"Who?"

"It's a secret, ayokong iannounce ang isang bagay na hindi ko alam kung mapapahiya ako. He might end up rejecting me and that's what hurts us the most." Turan ko pa. "We are slaves when it comes to love. It could be pleasurable but it could also be deadly."

"You suck girl, wala kayong karapatang mamili. Pati Nanay mo pakielamera sa desisyon eh mukhang shokoy naman iyong ibinubugaw niya sa iyo."

"I think may mali sa mata mo today, if your friends saw him they will definitely squeal in excitement or maybe himatayin." Turan ko. "He's just good looking like my Kuya. Actually if I ended up taking the throne, baka dalawa pa si Kuya at si Peril sa mga magiging asawa ko. We could marry our cousins to ensure purity of the blood to keep it running in the family."

"Yuck incest, girl."

"If I marry twelve and I only love one of them, my attention will only be given to him. Pwede rin akong sumiping sa iba kong bana pero until mabigyan ko lang sila ng tig-iisang anak, like Mom, they'll be cast aside." Dagdag ko pa watching his reaction pero tuloy lang siya sa pagkain ng banana chips na ibinigay ni Kuya.

"Ay mujer, para kang baboy noon. Pumili ka na lang ng isa iyong mate mo na lang. You can make a dozen offspring naman di ba?" Kung may kinakain lang ako ngayon nabilaukan na siguro ako sa sinabi niya.

"It's not as easy as that. Lalo pa na tao siya kagaya mo, mahirap magpaliwanag sa tao." Buntong hininga ko bago tumagilid para harapin siya. "Buti nga noong nakita mo ang buntot ko hindi ka nahimatay."

"Madami kaya sa peryang ganiyan, iniisip ko pa nga noon na trip mo lang na magsuot ng mermaid tail, akala ko synthetic tunay pala girl."

"Hmm."

"Nga pala iyong perlas na binigay mo kay Ms. Louvel, naging purplish." Wika nito napapikit na lang ako nang maalala kung anong ibig sabihin noon.

"Sampung buwan na lang meron ako, iyon ang ibig sabihin noon." Mahinang turan ko, medyo inaantok na.

"Ay chararat! Ano iyon? Time limit mo?! Ano pang ginagawa mo, suyuin mo na siya!" Napatayo pa ito ag hinila ang kanang braso ko para maibangon ako.

"I told you it's not easy, hihintayin ko na lang na marealize niya. Kung hindi niya marealize atleast may kasama si Kuya sa kalungkutan niya." Sabi ko sa kaniya.

F O O L S  I N  L O V EWhere stories live. Discover now