》JB
If she didn't insist, hindi ako pupunta rito. Sabi ni Tita Pearl, maselan daw ang pagbubuntis niya. Nanganak na rin kasi si Janice, hinimatay pa nga si Alec sa sobrang takot. Ang kwento pa sa akin ni Tita, muntik nang maubusan ng dugo si Janice. It was a good thing that, that Doctor Allison was there nasalinan agad 'to ng dugo.
"John, anong maganda?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga onesie. "Kukuha na ako ng tatlo, unisex naman 'to."
"Kung kukuha ka niyan, bibili na rin ako noong hybrid na stroller."
"What the h3ll?!"
Napalingon kami sa isang direksyon. Nakita ko si Mama, kasama niya si Freya. Anong nangyayari rito?!
"How could you do this to me JB?!" A-Ano? Anong problema ng impaktang 'to?! "Bakit kasama mo ang impaktang babaeng iyan?! Magkakaanak na tayo!"
Pinaningkitan ko siya nang makita kong dinuro niya si Lein. Pinilipit ko iyong kamay niya.
"Ouch! It hurts babe!"
"It hurts mo, iyang mukha mong, impakta ka! " sigaw ko rito bago bitawan iyong kamay niya. "Kapal ng fezlak mong magpakita sa akin! Dinuro mo pa ang magiging mudra ng mga junakis ko! Lintik na 'to!"
"Anong sinasabi mo?! Hindi naman buntis ang babaeng iyan!" sigaw niya sa amin. "The last time I saw her, hindi naman ganiyang kalaki ang tiyan niya! For all I know ilusyunada lang iyang sekretarya mo! Baka unan lang iyang nasa tiyan niyan!"
I pulled Lein behind me.
"Buntis si Lein, we have three water sprites on the way. Anong magkakaanak na tayo?" tanong ko sa kaniya. Is she telling me na akin iyang nasa umbok ng tiyan niya. "Mamamatay muna ako bago may maganap sa ating kababalaghan! Mabokot kang ipis ka! Ew!"
"P-Pero s-sabi mo..."
"Sabi ko ano? Wala akong sinabi sa'yo! Sino ba iyang naka-jontis sa iyo at pinipilit mong anak natin iyan?"
"J-JB a-anak natin 'to..."
"Paano? Paano ko---."
Lumagapak ang isang palad sa mukha ko bago ko pa man matapos ang sasabihin ko.
"Nagbago ka na talagang bata ka! You're such a disappointment, iresponsable ka na rin pala!"
Mom..?
"T-Tita, hin--."
"Shut up, Ms. Rodriguez. Usapang pamilya 'to." She cut Lein off.
"Hindi ko anak ang dinadala niyan, Mrs. Limaco," malamig kong wika kay Mommy. Bumakas pa sa mukha niya ang gulat dahil sa ipinantawag ko sa kaniya. "I never had sex or made love with that witch you're with. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang mga pinagsasabi niya. I've sent you invitation twice, I'll send another one kapag nanganak na si Lein. She's my family now, kaya sana maintindihan niyo. Depende na rin aa inyo kung pupunta kayo sa kasal namin."
"B-Benedict..."
"Let's go, Lein." I tugged on her hand, she has this worried expression while looking at me and my Mom.
"Okay ka lang?" tanong ni Lein sa akin. Nakalayo na kami mula doon sa store. Maybe igagawa ko na lang ng necessities ang mga Water Sprites namin. Iyong iba na kailangan talagang bilhin, ako na lang ang bibili.
"I'm fine," tugon ko sa kaniya. "Let's go to other stores, bilhan natin ng regalo si Jaxon."
"Sigurado ka?" she asked again leaning her head on my shoulder.
"Yes," tugon ko pa sa kaniya.
"Anong gusto mong iregalo kay Jaxon?" tanong pa niya.
"I was thinking of plushie or toys but he's too young for that," wika ko. Lalaki kasi si Jaxon, unlike sa babae madami kang maiisip na ibibigay. Kapag lalaki kasi limitado sa laruan at baby clothes. "So I thought, we should look for a crib. Wala akong nakitang crib sa bahay ninyo noong pumunta tayo. It would be perfect, titingin na rin ako ng crib para sa mga Water Sprites natin."
YOU ARE READING
F O O L S I N L O V E
Romance[Formerly known as "MARAHUYO"] In this world there are creatures which cohabits the land with humans... He was suppose to forget, after I supposed to have taken away the proof of our existence... But what am I suppose to do? When both I and my elder...