Chapter 24

13.6K 375 56
                                    

< Alyssa's P.O.V >

Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Nakahiga ako sa kama at nakatulala sa ceiling.

Bumaling ako sa kanan ko at napatining sa side table.

" 2:13 AM "

Yun ang eksaktong oras ngayon. Feeling ko, pati yung alarm clock ko, pinagti tripan ako. Minsan na nga lang ako titingin sa alarm clock ko, 2:13 pa ang nakita ko. Usually kasi yung cellphone ko ang ginagawa kong alarm clock.

Nakapatong din sa side table yung invitation para sa kasal ni Dennise.

Kinuha ko ito at tinitigan.

It's just a simple invitation card, pangalan lang nilang dalawa ng mapapang asawa nya ang nakasulat sa cover.

Kung sa amin sigurong dalawa yun, gusto ko may picture namin sa cover.

Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa kaliwang mata ko, dahil na rin siguro sa mga naiisip ko.

"Mahal pa rin kita Den."

Yun nalang ang nasabi ko bago ibalik ang invitation card sa ibabaw ng mesa.

~~~

Mae: Sure kaba talaga dito? Ly.

Laura: At talagang ngayon mo pa tinanong yan, kung kailan nandito na tayo sa NAIA. (Pambabara nya kay Mae.)

Mae: Eh nandito pa rin naman tayo sa airport, pwede pang bumili ng ticket pabalik sa states.

Aly: Tama na nga yan. (Pag awat ko sa kanilang dalawa.) Mae, sure na sure na ako dito.

Nandito na kami ngayon sa labas ng NAIA. Hinihintay nalang namin yung sundo namin. Makalipas lang ang ilang minuto ay may pumarada na silver SUV sa tapat namin.

Napangiti nalang ako nung bumaba ang driver nito at lumapit sa amin.

Axel: Hi girls! Long time no see. (Nakangiti nyang sabi at saka yumakap sa akin.)

Laura: Tama na nga yang yakapan na yan, nine pm na. Umuwi na tayo.

Bumitaw naman kami ni Axel mula sa pagkakayakap sa isa't isa.

Mae: Selos ka lang eh!... (Pang aasar nya kay Laura.)

Nauna na si Laura na pumasok sa loob ng sasakyan ni Axel.

Binuhat naman ni Axel yung nga gamit namin at inilagay sa trunk ng kotse nya.

Pumasok na rin ako sa loob at naupo sa tabi ni Laura, samantalang si Mae naman ay nasa unahan at katabi ni Axel.

Tahimik lang kaming dalawa samantalang puro kwentuhan naman yung dalawa sa may unahan namin.

Mae: Guys, kain muna tayo. (Sabi nya sa amin.)

Laura: Mabuti pa nga. Gutom na rin ako.

Pumunta muna kami sa sambo para kumain.

Mukhang kahit matagal kaming nawala dito sa Pilipinas ay marami pa rin ang nakakakilala sa amin, madami kasing nagpa picture sa amin habang nasa Sambo kami, matapos yun ay umalis na rin kami kaagad dahil kailangan na naming magpihinga.

~

Since nasa Batangas ang parents ko ay dito muna ako tutuloy sa condo unit ni Laura sa may Makati.

Axel: So, ano? Live in na kayo? (Seryoso nyang tanong sa amin ni Laura. Nung makababa na kami sa kotse nya.)

Aly: Sira ulo!

Mae & Axel: Hahaha!

Mae: Kunwari lang yang dalawa na yan. Pero kapag sila lang ang nagkasama, naglalambingan na yan. (Sabi nya kay Axel.)

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon