Continuation...
~~~~~~
Matapos maligo ni Baby Ji ay pumunta na kami sa lobby at nandoon na rin lahat ng groups pati ni rin yung mga coaches.
Pumunta si Coach Ramil De Jesus sa harapan namin at nagsalita.
Coach Ramil: Mag-uumpisa na yung first activity natin, we wan't to see unity in each group. Kalimutan nyo na yung school rivalry, sa court lang dapat yun. Your first activity is called finding the green Eagle . May hahanapin kayong isang maliit na green eagle pigurine na nakatago sa ibat ibang part nitong resort. 5 pieces yun kaya tag-iisa kada group. Pero syempre, may twist. Each group will have only two eyes open.
Mika: What do you mean? Coach.
Coach Ramil: Lahat ng members ay naka blindfold, maliban sa isa. At yung nag iisang hindi naka blindfold, sya ang magsisilbing mata ng mga team mates nya. Pag usapan nyo na kung sinong magiging mata ng grupo nyo. At yung last 2 groups na makakahanap ng object, may parusa.
Cyd: Ano po yung parusa?
Coach Parley: Well, surprise na yun.
Si Van ang napagpasyahan namin na maging eye para sa buong group. Nakablind fold na kaming lahat pero yung commander namin, nasa loob pa at kausap nila coach.
*TSUP!*
Naramdaman ko nalang na may dumampi sa pisngi ko, at hindi ko alam kung ano iyon dahil naka blindfold ako. Hindi ko rin naman pwedeng tanggalin yung blindfold ko dahil bawal kaya hindi ko nalang masyadong pinansin.
Nag-umpisa na yung activity namin at yung instruction lang ni Van ang sinusunod namin para makakilos.
Ang hirap naman ng activity na to. Imagine, eleven people with just only two eyes. Hindi naman kami pwedeng hawakan o alalayan ni Van dahil yun ang rule, basta sasabihin lang nya sa amin kung saan kami maglalakad o kung saan kami pupunta at kung ano pa yung ibang kailangan naming gawin.
Narinig kong may mga naghiyawan, mukhang member ng kabilang team. Parang tuwang tuwa sila.
Ilang sandali pa ay nahanap na namin yung object. Pagkakuha na pagkakuha palang ni Cienne sa object ay agad na naming tinanggal yung blindfold namin. Pang apat yung group namin na natapos, huling natapos naman yung group nila Von at dahil doon. May consequence kami.
Axel: Grabe, kakaiba naman yata yung consequence.
Ara: Imagine, lilinisin natin yung buong resort.
Cienne: Okay lang yun, katulong naman natin yung last group.
Van: While the other groups are having fun. We're on the other side, cleaning their stuffs.
Aly: Okay lang yun, saka sabi naman nila coach. Kapag tapos na tayong maglinis, pwede na tayong mag swimming.
Marge: Sa bagay, madaliin nalang natin yung paglilinis.
Ang kukulit namin habang naglilinis, para ngang mas nag e-enjoy pa kami kaysa sa mga groups na nanalo kanina.
Paano ba naman na hindi kami mag e-enjoy, e ang kukulit nila Carol Cerveza at Justine Tiu. Sumasayaw ba naman habang may hawak na floor map.
Lumapit naman sakanila si Aeriel at nakisayaw din. Isipin nyo nalang kung gaano kakulit sina Aeriel, Carol, Justine at Mich Morente. Tapos magkakasama pa sila sa isang group.
Yutien: Pinaparusahan ba yung group namin at kasama namin tong mga to?
Von: Feeling ko nga din.
Cyd: Wala na tayong magagawa, nandyan na sila.
BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers