Chapter 11

20.1K 420 19
                                    

< Alyssa's P.O.V >

Mahigit 30 minutes din ang binyahe ko pauwi dahil traffic. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng mommy ko.

Mom: So, how's the retreat?

Aly: Fine. I miss you po... (Tapos ay niyakap ko sya.)

Mom: I miss you too... 

Aly: Uhm Ma, inaaya nga po pala akong lumabas ni Jeron sa saturday.

Mom: Anung sabi mo?

Aly: Pumayag po ako.

Mom: You know what to do na naman, diba? Nasa right age kana.

Aly: Of course Ma. Maganda po yata ang pagpapalaki nyo sa akin. (Proud kong sabi.)

Mom: Sige, iakyat mo muna yung mga gamit mo sa kwarto mo. Tapos, bumaba ka para maka kain na tayo.

Aly: Okay po.

Umakyat na nga ako sa kwarto ko, agad akong kumuha ng damit sa cabinet at saka pumasok sa banyo. Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, nadatnan ko si Mommy sa may kusina at nagluluto. Lumapit ako sa kanya.

Aly: Ang bango naman po nyan.

Mom: Sus, nang bola kapa.

Aly: Totoo naman po, saka sure akong masarap yan. Uhm... Si Dad nga po pala?

Mom: Nasa may office nya.

Aly: Sige po, puntahan ko po muna sya

Paalis na sana ako nang muli nya akong tawagin..

Mom: Uhm... Alyssa... Kailan mo ba balak sabihin sa dad mo yung tungkol kay Dennise?

Aly: Ma, hindi na po nya kailangan malaman.

Mom: Ha? Papaano yun? Kapag naging kayo na ni Dennise saka mo pa sasabihin sa daddy mo?.

Aly: Eh mommy hindi naman po magiging kami ni Den. Imposible po na maging kami.

Mom: Pero akala ko ba...

Aly: Ma, pareho lang po tayo. Inakala ko rin po. Alam mo Ma, mas okay na rin to. Atleast hindi ko na kailangan sabihin kay dad na na inlove ako sa babae. Hindi na rin sya madi- disappoint sa akin.

Mom: Ikaw ang bahala, pero mas mabuti na rin na sabihin mo sa daddy mo. Atleast alam nya yung mga nangyayari sayo. 

Aly: Ako na pong bahala dun.

Matapos kong sabihin iyon ay pumunta na agad ako sa office ni Daddy. May office kasi sya dito sa bahay at madalas syang nakatambay doon. Nadatnan ko siya na busy sa pagbabasa, malamang ay mga paper works iyon.

Aly: Dad?...

Tumingin sya sa akin.

Dad: Alyssa! (Masaya nyang sabi.)

Lumapit naman ako sa kanya at yumakap. Nakaupo pa rin sya sa office chair nya.

Dad: I miss you...

Aly: I miss you din po.

Dad: Have a sit.

Umikot ako sa kabilang side ng desk at umupo sa silya na nandoon. Feeling ko tuloy ay mag-a apply sa trabaho dahil sa pwesto ko ngayon.

Dad: Kamusta ka? Kamusta yung retreat nyo?

Aly: Okay maman po. Masaya. Nag enjoy ako.

Dad: Good. Hindi rin naman kasi maganda kung training at pag aaral nalang ang buhay mo. By the way, nabanggit sa akin ng mommy mo na may date kayo ni Jeron Teng? 

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon