< Dennise P.O.V >
Nandito ako ngayon sa SB Katipunan. Nagre review ako para exam namin next week.
"DEN!"
Agad akong napalingon nung may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Ella na tumatakbo papalapit sa akin. Nung makalapit sya sa akin ay agad syang umupo sa tabi ko.
Den: Ano ba Ella, bakit kaba nasigaw?
Ella: Besh, I found her! (Masaya nyang sabi.)
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.
Den: You found who?
Ella: Si Mae, nasa California sya. Alam ko na rin yung address nya.
Masayang nag ki- kwento si Ella sa akin. Tuwang tuwa sya dahil nalaman nya na single pa rin si Mae. Magmula kasi ng biglang nawala si Mae ay hindi na napakali si Ella, lahat na ata ng pwedeng gawin, ginawa na nya para lang malaman kung nasaan si Mae.
Patuloy lang akong nakikinig sa masayang pagki kwento nya, nang bigla nalang akong makaramdam ng lungkot.
Ella: Den? Okay ka lang? (Tanong nya nang mapansin ang biglaang pagbabago ng mood ko.)
Den: Buti ka pa, nahanap mo na sya. *Sigh* Ako kaya, kailan ko kaya makikita ulit si Aly? Ang tagal ko na syang hinahanap pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasaan sya. Ganun talaga siguro kapag ayaw magpahanap.
Ella: Den, mahahanap mo rin sya.
Den: Miss na miss ko na sya Ella. Galit pa rin kaya sya sa akin? Mahal pa rin kaya nya ako?
Kasabay ng huling tanong ko ang pagpatak ng luha ko. Agad naman akong niyakap ni Ella.
Ella: Den, don't worry. Alam naman natin na sobra kang mahal nun. Kaya sure ako na mahal ka pa rin nya hanggang ngayon.
Den: Sana nga..
Humiwalay na ako kay Ella at saka naupo ng maayos.
BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfikceRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers