Continuation......
~~~~~~
Habang naliligo pa si Den ay lumabas muna ako sa kwarto at tumambay sa sala kasama yung iba naming team mates.
Marge: Ano ate Ly, naka strike three kana ba?
Tiningnan ko si Marge na nakaupo sa tabi ko.
Aly: Talagang binibilang nyo ah...
Jirah: Hindi namin bininilang, sanay lang talaga kami.
Maya-maya pa ay lumabas na si Den mula sa kwarto namin, naka short shorts sya and black shirt.
Aly: Den, uwi ka ng maaga ha. (Sabi ko kay Dennise.)
Tiningnan lang nya ako ng masama saka lumabas ng dorm.
"STRIKE FOUR!"
Tumingin ako sa mga team mates ko.
Aly: Counted ba yun?
Amy: Oo naman.
Jia: Counted yun, salubong yung kilay eh...
Aly: Mga adik talaga kayo. Manood na nga lang tayo.
Sabi ko tapos ay tumutok nalang sa panonod ng tv.
~
Nandito ako sa may sala at kasama yung ibang team mates ko, hinihintay ko si Den dahil wala pa sya at 8pm na.
Aeriel:Ly, matulog kana kaya. Papikit pikit na yang mata mo.
Aly: Mamaya na, wala pa si Den eh...
Bigla naman lumabas si Ella mula sa kwarto namin.
Ella: Guys! Nag text si Den, doon daw sya matutulog sa bahay ng bf nya.
Pagkasabi noon ni Ella ay tumingin silang lahat sa akin.
Tumayo na ako at naglakad papasok sa kwarto namin, naupo lang ako sa kama at sumandal sa headboard.
Bigla namang pumasok si Ella at humiga sa kama nya, tiningnan ko lang sya sandali saka ako tumingin sa kama ni Den.
Ella: Kawawa ka naman. Hindi ka makatulog kakaisip sakanya. Samantalang siya, humihilik na.
Napatingin ako kay Ella, nakaupo na sya sa kama nya. Tiningnan ko sya ng masama.
Aly: Kaibigan ba talaga kita?
Ella: Oo naman, matagal na.
Aly: Eh bakit wala man lang akong nakukuhang suporta mula sayo?
Ella: Ano bang gusto mo? I- push kita sa isang bagay na alam kong mas masasaktan ka?
Aly: Bakit naman ako masasaktan?
Ella: Aly, halos araw-araw ka ng bina- basted at nire- reject! Manhid ka ba? O nagpapakatanga kana?
Aly: Ouch ah!
Ella: Aly, kaibigan kita... Kaya obligasyon kong ipamukha sayo ang salitang "katotohanan". Hindi ka nya mahal. Kaya matulog kana.
Tapos ay humiga na sya sa kama nya at natulog.
Napatingin nalang ako sa cp ko, hinihintay ko syang magreply.
Ella: Alyssa, matulog kana! (Napatingin ako bigla kay Ella, nakapikit sya habang nagsasalita.) Hindi ka ite- text nun.
Inilapag ko nalang yung cp ko sa side table at saka nahiga para matulog pero bago ako pumikit ay tumingin muna ako sa kama ni Den.
~
BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers