Chapter 18

18.5K 442 44
                                    

Continuation....

~

"UGHHH! SANA MAABUTAN KO!" -Sigaw ko habang tumatakbo.

Kasalukuyan akong nananakbo papunta sa game booth, gusto ko kasing balikan yung teddy bear na tinitingnan ni Den kanina. Pero sarado na yung booth ng makarating ako kaya tumalikod nalang ako at bagsak ang balikat na naglakad papunta sa dorm.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Laura na nakaupo sa concreat bench sa di kalayuan.

Nakapatong yung siko nya sa tuhod nya at nakapangalumbaba sya, kitang kita sa expression nya na malungkot sya.

Dahil sa nakikita kong lungkot sa mukha ni Laura ay bigla kong naalala yung napag usapan namin ni Marge kagabi.

*FLASHBACK*

Nakatambay kami ni Marge dito sa may sala at seryosong nag-uusap, tulog na naman kasi yung mga kasama namin kaya wala ng ibang makakarinig sa usapan namin.

Aly: Mahal ko si Den, at alam naman ng lahat yun... Pero si Laura, sya ang secret admirer ko. Sya yung taong nag effort na pangitiin ako sa loob ng mahigit apat na taon kahit hindi sya nagpakilala o nagpakita sa akin. At dahil sa sya yung secret admirer ko, ay sya din yung taong palihim na nagmamahal sa akin for the past years. Marge gulong-gulo na ako. Buo na kasi yung desisyon ko na mag try kay Laura kung sakaling aamin sya na sya yung admirer ko pero mas lalong gumulo yung utak ko nung halikan ako ni Dennise.... At sa pangalawang pagkakataon ay hiniling nya na sa kanya lang ako.

Marge: Ano pa bang problema mo dun? Eh si ate Den na yung lumalapit sayo...

Aly: Kung titingnan... parang wala na ngang problema, matagal kong hinintay na magkaroon ng lakas ng loob si Den na ipakita yung totoo nya'ng feelings para sa akin, pero matagal ko rin naman'g ginusto na makilala yung secret admirer ko. Ang gulo at ang hirap!. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto ako ni Laura. Ang mas mahirap pa, kailangan kong mamili pero kahit sino naman sa kanila ang piliin ko, kailangan ko pa rin namang harapin yung galit ng tatay ko kapag nalaman nya to. HAAAAYY!!!! ANG GULO!

Marge: Grabe ate Ly... Nakaka awa ka.

Aly: Ano bang dapat kong gawin?! Sino ba yung dapat kong piliin?

Marge: May nararamdaman kana ba para kay Laura?

Aly: Ewan... Siguro... Yata?... (Alanganin kong sagot.)

Marge: Naku po... Mahirap yan. Pero mas mabuti kung alamin at siguraduhin mo muna yung nararamdaman mo para kay Laura. Then after that, matuto kang manimbang.

Aly: Baka may masaktan... I mean, siguradong may masasaktan.

Marge: Eh... Kahit naman sinong piliin mo, may masasaktan. Dapat mo lang talagang siguraduhin na worth it yung pipiliin mo.

*END OF FLASHBACK*

Eto na yung tamang oras para manimbang at mamili ako. Nilapitan ko si Laura, nakatayo na ako sa tabi nya pero hindi nya ako napansin dahil tulala sya at malayo ang tingin.

Aly: Pwede'ng maki upo?

Nakita kong nagulat sya nang magsalita ako at napatingala sya sa akin.

Laura: Alyssa?... Have a sit.

Umupo na nga ako sa tabi nya.

Aly: Ang lalim ng iniisip mo ah... Hindi mo man lang napansin na nasa tabi mo na ako.

Laura: Pasensya na, pagod lang talaga ako.

Aly: Ang lungkot mo kayang tingnan. Tapos ang layo pa ng tingin mo.

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon