Chapter 26

16.6K 348 33
                                    

< Mae's P.O.V >



Kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip kung kanino ba nanggaling yung invitation na yun.

Hapon na at halos kakaalis lang nung mga makukulit kong kaibigan.

Kahit sila ay walang clue kung kanino ba nanggaling yun.

Habang tahimik ako na nag iisip ay bigla nalang may nag doorbell.

Pagkabukas ko ng gate ay halos mapako ako sa kinatatayuan ko. Halos hindi ako makapaniwala na si Ella ang nasa harapan ko.

Agad nya akong niyakap. Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin na rin sya. Sobra ko syang na miss.



Ella: Thank god. You're back. Mabuti nalang at gumana yung plano ko.

Kunot noo akong kumalas kay Ella nung marinig ko yung sinabi nya.



Mae: Plano? Anung plano?



Ella: Uhm... Pinadalhan kita ng wedding invitation.



Mae: WHAT?! Sayo galing yun?! Ella naman! Bakit mo yun ginawa?!



Ella: I'm sorry kung pinadalhan kita ng fake invitation.  Gusto ko lang naman na mapauwi ka dito eh... Miss na miss na kasi kita.



Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at iniharap sya sa akin.



Mae: Anung sabi mo?



Ella: I miss you... Kaya nung nalaman ko kung nasaan ka, gumawa agad ako ng paraan para makita ka. I'm sorry talaga Mae.



Mae: Sana pinuntahan mo nalang ako dun. O kaya tumawag o nag email ka nalang. Hindi yung pinadalhan mo ako ng invitation para sa kasal ni ate Den. (Hindi naman ako galit pero mataas yung tono ng pananalita ko.)



Ella: I... I'm so- sorry... Ku- kung ginawa ko yun.



Nakita ko naman na pumatak ang mga luha sa mga mata nya kaya agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.



Mae: Shhh.... Tahan na... Wala namang kaso sa akin yun eh... Masaya pa nga ako kasi gumawa ka ng paraan para makasama ako pero kasi.... Si Aly.



Nakita kong nagbago ang expression ng mukha nya, biglang naging mapagtanong ang mga tingin nya.



Ella: Si Aly? As in Alyssa Valdez?


I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon