Chapter 40

10.2K 261 7
                                    





Continuation...





~




Aly: Scholarship? Sa U.K?



Tumingin ako kay Den, gusto ko siyang pagpaliwanagin pero hindi ko naman masabi iyon sa kanya.



Mrs. Lazaro: Dennise?. Hindi mo ba nabanggit kay Alyssa na nagpasaka ng application sa oxford?.



Den: Uhm... Mom, dad. Can you leave us for a while. Aly and I need to talk.



Mr. Lazaro: Sige. Ly, sa itaas muna kami.



Tumungo lang ako sa parents ni Den. Nang umalis sila ay agad na nagsalita si Dennise.



Den: Ly, let me explain... I'm sorry kung hin-



Aly: Nag- apply ka ng scholarship sa oxford. Bakit hindi mo sinabi sa akin?.



Den: Ly bago ka pa bumalik dito nag- apply na ako dun. Hindi ko naman alam na matatanggap ako eh.



Aly: Kailan ka aalis? (Naluluhang tanong ko sa kanya.)



Den: Payag ka na umalis ako?.



Aly: Oxford na yun. Pangarap mo yan. Sino ba naman ako para pigilin ka na abutin yung mga pangarap mo. At kung sakali na pigilan kita, magpapapigil kaba?. (Yumuko lang sya, napansin ko na umiiyak na rin sya. Gusto ko man syang yakapin, wala naman akong lakas para gawin yun.) So, kailan ka aalis?.



Den: Two weeks from now. Para daw makahabol pa ako sa klase.



Kanina ko pa pinipigilan tong luha ako. Kahit naman kasi isipin ko na matutupad na yung pangarap nya, hindi naman nun mababago na magkakalayo na kami.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, kasabay noon ang pagpatak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Mabilis naman nya akong niyakap. Ramdam ko ang mga luha nya na pumatak sa damit ko. Sobrang higpit ng yakap nya sa akin pero parang wala akong lakas na yakapin din sya.

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon