< Aly's P.O.V >
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Napabangon ako bigla at napatingin sa cp ko.
SHIT!
8:20 na, malelate na ako sa klase ko.
Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Binilisan ko nalang yung pagligo at pagbibihis ko. Matapos kong magbihis ay kinuha ko na agad yung bag ko at lumabas ng kwarto.
Den: Ano ba yan Ly! Ang aligaga mo naman!.
Sabi nya nung inilapag ko yung bag ko sa tabi nya habang kinakalkal ang loob nito.
"Strike one."
Hindi ko na pinansin kung sinong nagsabi nun dahil nagmamadali ako.
Aly: Sorry Den, nagmamadali kasi ako.
Ella: May klase ka? Diba free day mo ngayon?
Aly: Makiki sit in lang ako, hindi kasi ako naka attend kahapon. (Sabi ko habang inaayos yung laman ng bag ko.)
Mae: Kain ka muna.
Aly: Hindi na, nagmamadali kasi ako, male late na ako. Ugh! yung ballpen ko! (Sabi ko nung naalala ko yung ballpen.)
Iniwan ko muna sa upuan yung bag ko at dali dali bumalik sa kwarto para kumuha ng ballpen. Nung makakuha na ako ay dali-dali akong lumabas at kinuha yung bag ko.
Aly: Bye guys!
Pagpapaalam ko sa kanila habangg nagmamadaling lumabas ng dorm.
"Enjoy your food Alyssa!"
Rinig kong sigaw ni Aeriel bago ako makalabas ng pinto.
Hindi ko nalang sya pinansin at nanakbo na ako papunta sa classroom.
~
Habang busy sa pagtuturo yung prof ko ay biglang kumalam yung sikmura ko.
UGH! Gutom na ako! Three hours pa naman tong klaseng to at nakaka one hour palang kami.
Binuksan ko yung bag ko para kumuha ng notebook dahil kailangan kong mag take ng notes. Pagbukas ko palang ng ziper ng bag ko ay yung naka plastic na sandwich agad yung nakita ko. Dalawang three layer sandwich.
Wala naman to kanina ah?
Kinuha ko yung sandwich, mainit-init pa. Bago lang to.
Binuksan ko na yung plastic at kinain yung sandwich. Inferness, masarap at higit sa lahat.... Bacon and cheese pa yung palaman, nakakabusog.
Nung matapos na yung klase ko ay dumaan muna ako sa BEG, wala naman kaming training ngayon. Dadaan lang ako sa locker room para kunin yung libro ko.
Pagbukas ko ng locker ko ay bumungad agad sa akin yung nakadikit na post it. Kinuha ko ito at binasa yung nakasulat.
"Smile ka naman dyan... Para makumpleto na yung araw ko."
Napangiti nalang ako sa nabasa ko, kung sino man yung naglalagay nito dito, kahit hindi ko pa sya nakikilala. Crush ko na sya, dahil palagi nya akong napapangiti.
Alam kong simple lang yung nakasulat pero sumasakto kasi lagi sa mood ko kaya napapangiti ako.
~
Jia: Oh, ate Ly? Ngiting tagumpay ah...
Sabi ni Jia pagkapasok ko sa dorm, hindi pa rin kasi nawawala yung ngiti ko dahil sa nabasa ko kanina.
Mich: Siguro, nakatanggap ka nanaman ng post it.
Ella: Grabe na yang secret admirer mo Ly. Mula nung dumating ka dito, hindi na pumalya sa pagpapangiti sayo.
Maddie: Eh kung yung secret admirer mo nalang kaya yung mahalin mo?
Aly: Naku Maddie... Mahirap yun, hindi ko naman kasi kilala kung sino yun saka isa lang naman kasi yung laman nitong puso ko.
Sabay tingin ko kay Den na nasa may dinning table. Napuna nya yata na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon sya sa direksyon ko. Nginitian ko sya pero tinaasan lang nya ako ng kilay.
Den: Anung tinitingin tingin mo!? (Mataray nyang sabi.)
Umiling lang ako bilang sagot.
Halata sa mukha nya na naiinis sya. Agad naman syang tumayo at pumasok sa kwarto namin.
Jirah: Strike two!
~
Lumabas muna ako sa dorm dahil nagsipasukan na sa klase yung mga kasama ko pati na rin si Den, kaya ako lang mag-isa ang nasa dorm.
4 pm palang at 6 pm pa uuwi yung mga yun. Ayaw ko naman na maiwang mag-isa sa dorm, ang creepy kaya.
Pumunta muna ako sa mall para magpalipas oras. As usual, maraming nagpa picture sa akin.
Nanood ako ng movie tapos ay sa mall na rin ako nagdinner, 9 pm na nung makauwi ako sa dorm namin.
Wala ng tao sa sala at napakatahimik na, malamang tulog na yung mga yun.
Pagpasok ko sa kwarto namin ay nadatnan ko si Den na naka upo sa kama nya habang nakasandal sa headboard at busy sa pagbabasa ng libro.
Agad naman akong hinili ni Ella papunta sa side ng kwarto kung nasaan yung kama nya.
Ella: Alyssa!, hindi mo pa ba lalapitan si Den?
Aly: Huh? Bakit?
Ella: Wala ka pa kasi sa quota mo ngayong araw.
Aly: Quota?
Ella: Nakaka strike two ka palang. Wala pa yung pangatlo.
Tinampal ko sya sa noo.
Aly: Sira!
Iniwan ko na si Ella at nagpunta na ako sa kama ko.
At tulad ng palagi kong ginagawa ay kumaha ako ng post it at nagsulat.
"Sleep with smile, beautiful."
Matapos kong isulat yun ay agad akong lumapit kay Den at idinikit yun sa isang page ng libro na binabasa nya.
Agad namang kumunot yung noo nya nung mabasa nya yun saka tumingin ng masama sa akin. At tulad ng palagi kon ginagawa ay nginitian ko lang sya.
Den: Wag ka ngang magulo! Nakita mong nagbabasa yung tao! (Galit nyang sigaw sa akin.)
Kinuha nya yung idinikit kong post it sa libro nya at cr-in-umple ito, sabay bato sa may basurahan malapit sa pinto.
Aly: Good night...
Matapos kong sabihin yun ay pumunta na ako sa kama ko at nahiga. Pipikit na sana ako ng biglang may tumamang kung ano sa ulo ko.
Pagtingin ko ay may naka crumple na papel na sa tabi ko, maliit lang ito, parang post it lang. Kinuha ko ito at binuksan.
"STRIKE THREE!"
-ELLA XD
Yan yung nakasulat sa papel. Agad naman akong tumingin kay Ella. Ibinato ko pabalik sa kanya yung papel at nagtalukbong na ng kumot.
Hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ako nakaka strike three?
~~~~~
BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers