Chapter 1: Bad Vibes!

1K 44 13
                                    

Author's note:

Para malinaw po, from chapter 1 up to 5, nakahati po by parts. Sa mobile ko lang po kasi iuupdate. Pero after nun, sa desktop ko na ulit siya iuupdate. Hehe. Huwag po kayong magalit kung medyo naiba ang story nito.:))

- Shino

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1: Bad Vibes!

[Diane's point of view:]

*OH MY GOSH! Bakit kinakasal ako?*, bulong ko sa sarili ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa aisle papunta sa 'groom' ko.

Lahat ng tao ay nakangiti sa akin. Parang natutuwa sila dahil heto ako at naglalakad papunta sa 'lalaking mapapangasawa' ko. Seriously, what's with that word? Ew lang ha? Like hello? Do I know who he is?

Shet. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para akong nanlalamig. Feeling ko, may kung anong bagay na gumugulo sa tiyan ko. Seriously, ano ba talagang nangyayari? Ako na talaga! Ako na ang walang alam.=___=

Ilang hakbang na lang at malapit na ako sa 'mapapangasawa' ko. Ew talaga. Eh hindi ko makita ang hitsura niya. Nakatalikod kasi siya eh. Ayan na po ako..

Parang nagkaroon ng 'slow-mo' effect nung mga oras na 'yon. Totally, wala talaga akong maintindihan sa mga nagaganap. Hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ako sa 'mapapangasawa' ko. Shet, I hate that word.=___=

Maya-maya pa ay humarap na sa akin ang lalaki.. 

Eh? 

Si kuya Dino??

"Good morning, Ms. Daydreamer."

Agad akong napabalikwas. Nananaginip lang pala ako? Shet, buti na lang. Hindi ko maimagine na si Kuya Dino ang papakasalan ko.=____=

"Kamusta naman ang kapatid kong nananaginip na ikinakasal?", natatawang tanong niya sa akin. Bakit alam nito? O.o

"B-bakit mo alam kuya??", buong pagtatakang tanong ko sa kanya. At nangiti naman siya nang nakakaloko.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon