Chapter 25: "Paki ko?!"

249 11 1
                                    

Chapter 25: “Paki ko?!”

 

[Diane's point of view:]

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta sa school nang maaga. Gah, tinatamad akong pumasok ngayon! >_<

Alas-otso y media na nang makapagdecide ako na pumasok na lang. Wala rin eh, kailangan ko pa ring i-monitor ang mga nangyayari sa school. Actually, pangatlong araw na 'to ng Science Week. So far, marami pa ring mga estudyante ang pumapasok. Gusto sigurong maglibang. Boring siguro sa mga bahay nila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng buhok ng may biglang tumawag. Pagkatingin ko sa number..

Paki ko?! [+09** *** ****]

Nabigla ako (obviously). Gosh, ba't nagparamdam na naman siya? I mean, matagal na nung huli siyang nagtext sa akin eh. Tapos, ano 'tong ngayon? Seriously, natatakot ako sa kanya. DUH! What if.. pedo pala siya? Kidnapper? Multo? MULTO?! Geez! IMPOSIBLE NAMANG MULTO SIYA NO?!

After 10 sec. ay nagpasya akong sagutin na ang tawag.

"H-Hello?" Medyo patanong. Natatakot talaga ako.

"Yo! My Diana, nakikilala mo pa ba ako?" sagot ni 'paki ko?!'.

What the f*ck! He's a guy nga! Shiz, ano'ng gagawin ko?!

"H-Hindi. W-Who's this? Ba't mo 'ko kilala?"

Geez! Hindi ko talaga siya kilala. I mean, wala naman akong close friend na lalaki dati. I mean, nung tumuntong ako ng HS. Siyempre, nung elementary, mayroon naman. Pero, matagal na yun. AT, nagkalimutan na kami. Kaya wala talaga akong matandaang kakilala na lalaki.

"Diana naman. Tsk, nakakatampo ka na." Nag-act pa siyang parang naiiyak. WTF?

"Hey, wala akong oras para makipaglaro sayo, Mister. Another, I'm not Diana. Please lang, huwag mo nga akong kulitin?!" Napuno na talaga ako sa kanya. Nakakainis na eh.

"Diana naman. Ge, magkita na lang tayo sa school mo. Bye!" Inend na niya ang call.

In-ignore ko na lang ang sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. Wala lang sigurong magawa sa buhay yung sira ulo na yun. Geez, makabili na nga ng bagong sim!

Ako na lang pala ang nasa bahay (I mean, wala na si Papa at si Kuya). Pinakain naman ako ng mga katulong. Grabe, binigyan sila ni Papa ng instructions. Duh, as if, hindi ako kakain?

After kumain ay may lumapit sa akin -- si Yaya Beth pala.

"Ate Diane, may bisita kayo."

Nagtaka naman ako. "Ha? Sino?"

Maya-maya..

"Ako. Sinusundo ka." nakangiti niyang sabi. Sino pa ba ang balasubas na libreng-libre na nakakapasok sa bahay namin?

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon