Chapter 23: Now or never

222 14 0
                                    

A/N: Malapit na po itong matapos. Haha! Pramis! :D

READ. VOTE. COMMENT.

Thank you! :)))

- Shino

***

Chapter 23: Now or never

[Jayden's point of view:]

"Pastilan ka, Jayden! Mahuhuli ka na sa party!" bulyaw sa akin ni Mama.

Busy sila sa pag-aayos ng gamit. Ako naman ay sa pag-aayos.

"Patapos na nga po, Mama!" Nasa kwarto kasi ako at kasalukuyang sinusuot ang aking coat.

Umalis na rin ako nun. Hindi na raw sasama sina Mama at pagod pa raw sila sa byahe kanina. Si Papa naman ay agad dumiretso sa opisina niya para ayusin ang mga naiwan niyang trabaho. Pinahatid na lang nila ako sa driver namin.

Oo, may driver kami. Si Mama kasi, parang ewan minsan. Pinauwi muna niya sina Yaya at si Manong bago sila pumunta sa America.

Ayos lang naman yun sa akin. At least.

Habang nasa biyahe, tinext ko naman si Diane..

To: Diane, mylabs [+09** *** ****]

OTW na ako. See you! =)

***

[Diane's point of view:]

Simple lang naman ang ayos ko. Duh? Hindi naman ako ang celebrant. Si Papa kaya!

Anyways, violet ang kulay ng dress ko. Simple lang yung design. Ayaw ko namang maging agaw-eksena mamaya no! Isa pa, ito yung napag-usapan namin ng unggoy na Jayden na yun.

Maya-maya ay may nagtext sa akin..

From: Jayden Lacsamana [+09** *** ****]

OTW na ako. See you! =)

Parang tanga lang. Kailangan talaga, itext sa akin lahat ng gagawin niya? In fact, kanina pa siya ganyan - text nang text. At ako naman itong si tanga rin, reply nang reply..

To: Jayden Lacsamana [+09** *** ****]

Duh! Don't be so obvious! Alam ko namang papunta ka na.-___-

AT KUNG HINDI KA BA NAMAN MAINIS SA KANYA?!!!?! 

From: Jayden Lacsamana [+09** *** ****]

Ay ganun ba? Hihi. Sorry po.=)

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon