Chapter 11: Louie

231 18 0
                                    

Chapter 11: Louie

 

[Louie's point of view:]

Bago niyo pa ako ijudge, let me introduce myself. By the way, I'm Mark Louie Enriquez, ex ni Diane Santos.

Sa totoo lang, mahal na mahal ko pa rin siya.

Siguro, hindi kayo naniniwala. Alam ko naman 'yon e, sino bang t@nga ang mang-iiwan ng taong mahal niya?

Kaya ngayon, hinahabol ko siya. Para na nga akong ewan na laging nakasunod sa kanya e. Yes, alam ko lahat ng nangyayari kay Diane. Except siguro kapag na bahay na siya.

Alam ko rin na kasama niya sa bahay 'yong g@gong Jayden Lacsamana na 'yon. Nagpanggap pa ang g@go na boyfriend 'daw' siya ni Diane.

"Hoy, tulala ka na naman diyan?"

Sigaw sa akin ni Dave, bukod tanging tropa ko. Kung matatawag ko ba siyang tropa.

"Wala 'to Dave." sagot ko sa kanya.

"Wala raw. Sapakin kita diyan e!" sabay suntok sa braso ko. G@go 'to ah?

"G@go ka p're, pakamatay ka na."

"Mauna ka na. Let me guess, si ex gf yan no?" seryoso niyang sabi. Siya lang ang nakakaalam ng mga pinaggagawa ko these past few days.

"Galit na galit talaga siya sa akin e." matamlay kong sabi.

Actually, hindi ako nasaktan sa sampal. Well, deserve ko 'yon. Mas nasaktan ako sa nakita ko. Malaki talaga ang galit ng babaeng 'yon sa akin, halos lumuluha pa siya habang nakatingin sa akin.

"Kasalanan mo e. Bakit mo kasi hiniwalayan si ex? Kung gusto mo lang siyang protektahan kina JM, dapat binantayan mo na lang siya 24/7! Problema sayo, ang dali mong magpadala sa emosyon e."

"Ewan ko e."

"Kag@guhan 'yan p're, pakamatay ka na."

Napakasupportive talaga nito.=____=

"Salamat ha? Nakakatulong ka. Tss."

"Seryoso p're, kung gusto mo talaga siya, huwag mong sukuan. Wala na sina JM ngayon. Umuwi ka na, baka mabaliw ka pa lalo dito."

Sinunod ko na lamang siya at umuwi na sa bahay. Tignan niyo nga naman, may sense din pala yun?

Well, tama nga siya. Matagal nang wala sina JM, ang alam ko pinadala siya ng mga magulang niya sa U.S dahil daw sa konsumisyon. Ewan ko lang kung saan na napadpad ang mga kaibigan nun?

Si JM? Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Diane. Lider kasi siya ng fraternity kung saan minsan e ginusto kong mapabilang. Well, para sa akin isa yun sa pinakapinagsisisihan ko.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon