Chapter 7: Unexpected

272 25 1
                                    

Author's note:

Kahit busy sa studies, naiupdate ko pa rin 'to. Haha. Enjoy reading.

 

*****

 

Chapter 7: Unexpected 

 

 

[Diane's point of view:]

"'Te, punta tayo sa mall bukas? Please?"

"Ano ba kasing gagawin natin doon?! Eh kung sinabi mo na kanina pa, edi pumayag na ako!", sigaw ko kay Aly.

"Basta nga 'te. Huwag ka nang makulit."

"Duh! Ano kayang 'basta' 'yan?! Ayoko.", sagot ko sa kanya sabay irap then lumakad na ako palayo sa kanya. Mukhang hindi makakausap nang matino ang babaeng 'yon eh. Tss..

Paano ba naman, kanina pang umaga nangungulit 'yang si Aly? Hindi naman sinasabi ang dahilan? Duh! Nakakatamad kayang pumunta sa mall.

"Diane naman eh. Sige na please? Ililibre na lang kita nang kahit ano basta sumama ka lang.", alam niyo 'yong hitsura niya? Para siyang ewan na nakaupo sa sahig at hila-hila pa ang kaliwang paa ko. Tss..

"Ok! Fine! Sasama na ako! You're so GRRR.", iritang-irita kong sabi.

"Ito naman! Highblood agad? Ay 'te, salamat ha? Oh! Gotta go, bye!"

She waved her hand then she ran. Nasa gate na kasi ang boyfriend niya eh. Oh well, as expected hinihintay ko ang unggoy. Saan naman kaya 'yon pumunta? Arrgh, ang tagal niya!

After 123456789 years, nakarating na rin siya. Jusko, kung hindi ko pa itetext, hindi pa pupunta dito. Tss..

"Yo! Sorry, may inasikaso lang sa opisina.", halatang hingal na hingal niyang sabi.

"Unggoy ka talaga. Duh! Student assistant ka ba dito?!", irita ko pa ring tanong.

"Diane naman, hindi porke tumutulong ka, assistant ka na sa school.", mahinahon niyang explanation.

"Fine! Ikaw na ang masipag!", sigaw ko sa kanya.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon