Epilogue

274 9 4
                                    

Epilogue:

[Diane's point of view:]

Sinong makapagsasabi na talaga nga namang mapaglaro ang destiny? Grabe kasi ang mga pangyayari eh. Hindi ko inexpect na darating kami sa puntong ito, kasama ang taong kinaiinisan ko. Well, ramdam ko naman ang pagmamahal niya eh. At natutuwa ako roon.

Ilang taon na rin ang lumipas. Marami na ring nangyari. Nariyan yung struggle namin nung college days namin. Yung mga misadventures na nangyari sa amin ni Aly. Siyempre, yung mga misunderstandings na nangyari.

Pero, isa lang ang hindi nagbago.

Ang pagmamahal niya sa akin.

Oo. Sa kabila ng imperfections ko, patuloy pa rin siya sa pag-unawa sa akin. Dumarating pa nga sa punto na naiinis ako sa sarili ko eh. Yung tipong, parang ang weak ko? Parang siya lang yung nag-i-strive para mag-work lang ang relationship namin?

"Tulala ka na naman diyan." Napatingin ako sa nagsalita. Jusko. Napaka-KJ talaga nitong si Aly kahit kailan! Kita na ngang todo-senti ako rito eh.

Sinimangutan ko nga. "Alam mo, isa kang malaking panira ng moment. Kainis."

At nakuha pang ngumiti ng gaga! "I know. Don't worry, mami-miss mo rin ako kapag natuloy na ang pagtira namin sa US."

Oo nga pala. Sampung taon na ang nakalipas. Sa sampung taon na yun, marami nang nagbago. Isa na nga rito ang pagpapakasal ni Aly kay Jace Gabriel. Akalain niyo yun? Sila pa ang nagkatuluyan sa huli? Eh kasi naman, napaka-brutal nitong Aly na 'to. Lahat na lang ng nanliligaw sa kanya, pinahihirapan niya. Tanging si Jace lang ang nakatagal sa kanya. Hanga rin ako sa persistence ng lalaking yun. Sabi pa niya, kung hindi makuha sa matinong pakiusapan, daanin sa dahas. Ibig niyang sabihin -- takutin. Yun ang ginawa niya kay Aly. Nakakatawa pero ang sweet nilang dalawa.

"Tapusin na natin ito, para makalabas ka na. Naku, ewan ko na lang!" she exclaimed.

Nang matapos siya ay nagawa pa talagang mag-selfie. Hinayaan ko na lang. Alam ko namang excited din siya sa mangyayari mamaya eh. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at iniluwa niyon sina Papa, Kuya Dino at si Ate Nica. Heto na naman tayo. Magdadrama na naman ang mga ito. Nagpaalam muna si Aly na puntahan muna ang asawa niya at para bigyan na rin kami ng privacy.

"You're the most beautiful girl in this place, baby," malambing na kumento ni Papa.

"Pa, nambola pa," natatawa konh sagot.

"I'm not joking, Diane." Napailing na lang ako. "Mamimiss ko ang bunso ko."

Niyakap ko siya. Hay, mamimiss ko rin si Papa. Ugh, oo na. Pati na rin si Kuya -- kahit inaasar niya ako palagi. And of course, si Ate Nica na ngayon nga'y buntis na naman. Oo. Pangalawa na nila 'yan ni Kuya. Despite of that, ang ganda pa rin niya.

"Cut the drama. Hindi naman ako mawawala. Duh. Sa kabilang bahay lang naman ako, ano."

Nagtawanan naman sila nun. Hay, nakakalungkot talaga.

"Una na kami sa labas. Sumunod ka na at baka umiyak 'yang Kuya Dino mo," untag ni Papa.

Nang makaalis sila ay nag-final retouch na lang ako bago naghantay ng cue kung kailan lalabas. Maya-maya pa'y tinawag na ako ng wedding planner para lumabas na. Kinakabahan ako, grabe! Sana makakilos ako ng normal. Sinundo naman ako ni Papa since siya nga ang maghahatid sa akin.. sa altar.

Oo. Hindi na ito isang panaginip katulad dati. Talagang ikakasal na ako. Siyempre, kanino pa ba? Eh siya lang naman ang persistent sa akin. Kasabay ng pagsisimula ng ceremony ay ang pagtunog ng kantang ako mismo ang pumili. Forevermore ng Side A. Ewan ko ba. Ang ganda kasi ng kanta. Bagay sa gusto kong sabihin sa kanya.Makalipas pa ang ilang sandali ay kami na ni Papa at Kuya ang naglalakad papunta sa altar. Mula rito, kitang-kita ko ang excitement sa mukha ni Jayden. Kahit ako, ganoon din. Hay, ang swerte ko nga naman.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon