Chapter 21: Guardian angel-in-disguise

234 17 0
                                    

Chapter 21: Guardian angel-in-disguise

[Diane's point of view:]

Tama ba 'tong nararamdaman ko? Kinikilig ako, gosh. Bakit ba ngayon ko lang naaappreciate ang lahat ng efforts ni Jayden? I mean, dati ini-ignore ko lang lahat ng pagtulong niya? Tapos kahit yung mga biro niya, naaappreciate ko na rin? Pakialog nga po ang utak ko, baka sakaling nadislocate? Biro lang.

Hanggang ngayon, yung pagmamall pa rin namin kanina ang laman pa rin ng utak ko. Yun ata yung first time na naggala kami nang masaya. Yes, sure na nakakasama ko na siya dati pa. Kaso wala eh, iniignore ko lang.

Para hindi ako malunod sa mga thoughts na bumabagabag sa utak ko, naglog in na lang ako sa twitter. Nakakahiya naman kung wala akong twitter, di ba? Isa pa, di naman ako mahilig magtweet.

Pero this time, magtutweet ako. Mwahahaha.

The more you hate, the more you love.<3 #RelateMuch

Yan yung tinweet ko. Ewan ko ba, basta yan yung pumasok sa isip ko eh. After ten minutes ay naglog out na ako. This time, mas maaga akong nakatulog.

***

*Kriiiiing!*

Nagising naman ako bigla sa alarm. Gosh, nakalimutan kong isilent mode ang phone ko. Alas-singko pa lang ng umaga nun. Kaso hindi na ako makatulog kaya naglog in naman ako. This time, sa fb.

O______O

OH MY GEE!! NAKALIMUTAN KONG NAKAKONEKTA SA FB YUNG TWITTER KO! Nakakahiya! Nakita nila yung tweet ko!

The more you hate, the more you love.<3 #RelateMuch

via Twitter

178 Likes. 17 Comments

Grabe, nakakahiya talaga! Karamihan pa namang sa mga comments dun eh parang..

"#RelateNaRelateSAGAD"

"Ikaw na girl!"

"Yieeh! Lumalablayp teh!"

"Sino po yan?"

And more comments down. Gosh! Nakakahiya! Bakit hindi ko napansin yun kagabi? Anyways, nag-ayos na ako nun. Wala lang, gusto ko lang pumasok nang maaga ngayon.

Nang makarating sa school ay pumunta na ako sa room. Nakakapanibago pala kapag wala gaanong tao dito at walang nag-iingay. It sounds creepy, but I don't mind at all. Keri naman. Bigla akong nakaramdam ng antok kaya umidlip muna ako. No worries naman kasi naka-PE Uniform ako. Required yun, every friday.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon