Chapter 9: EX-Boyfriend

258 21 1
                                    

Author's note:

Sori sa delay. Hahaha. Kahit prelims sinubukan ko 'tong iupdate. Sana maintindihan niyo. Busy eh, puro major lahat ng subjects namin + may mga events pa na kaming mga 3rd year ang maghahandle kaya sana maunawaan niyo. Salamat.:D

- ShinoIsMyName

 

*****

 

Chapter 9: EX-Boyfriend

 

[Jayden's point of view:]

"Sure ka ba talagang ok ka lang diyan?" tanong sa akin ni Aly.

Pupunta kasi sila sa mga clothing shops (boutiques) dito sa mall. At ako naman ay piniling maiwan muna dito sa food court. For sure, puro girl thing lang naman ang pag-uusapan ng dalawang ito at baka ma-out of place lang ako sa kanilang dalawa. Psh! Bakit kasi hindi ko tinawagan o tinext si Jace eh. E di sana, may kasama ako dito at nang hindi ako nabobored nang ganito? Hay.

"Oo Aly, ok na ako dito. Sige na, pumunta na kayo sa pupuntahan niyo. Itext niyo na lang ako kapag kailangan niyo ng tulong." pagtataboy ko sa kanila.

Good thing is dala ni Aly ang laptop niya at nataong may WiFi dito sa food court. Atleast makakapag-facebook ako dito.

"Ok, sabi mo eh. Sige, una na kami." at naglakad na silang dalawa paalis.

Nang medyo malayu-layo na sila ay agad na rin akong naglog in sa facebook..

 

email: jayden_pogi@yahoo.com

 

password: ******

 

ENTER!

Ok, para lang akong tanga. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Hay.-___-

Medyo nag-eenjoy na rin ako sa pag-ffb. Siyempre, ano pa bang ginagawa ko? Inistalk ko na naman SIYA. Lakas kasi ng impact niya sa akin mga dre!

Nang magsawa ay naglog out na rin ako. Sakto at dumating na rin sina Aly at Diane, my labs. Yikes! Dumadamoves ka na naman, Jayden!

"Nabili niyo na ba ang mga kailangan niyo?" pambungad kong tanong sa kanila. Halata kasing pagod na sila e.

"May nakikita ka bang hawak namin na shopping bags?!" naiiritang sagot ni Diane.

Ano na naman kayang nangyari dito? Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa e?

"Aly, anong nangyari diyan at bakit nakabusangot ang mukha niyan?" baling ko kay Aly. Mukhang hindi ko makakausap nang matino si MY LABS e.

"Ganito kasi 'yon Jayden.." at nagsimula nang magkwento si Aly..

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon