Chapter 18: Realize

237 15 1
                                    

Author's note:

Okay, napagdesisyunan ko na imbes 45 chapters e magiging 35 chapters na lang. As soon as possible e one story policy muna ako. LMAO. Yun lang, salamat sa mga nagbabasa nito.

-----

Chapter 18: Realize

[Jayden's point of view:]

"What happened, Mr. Lacsamana? Kayo ni Ms. Santos ang lowest sa project?" sabi sa amin ng teacher namin sa physics.

Yeah right. As expected, kami nga ang bagsak -- o mas maganda sigurong sabihing lowest kami. Well, kasalanan naman namin e.

"Sorry po, Ma'am. Babawi na lang po kami sa susunod na activity." tila may panlulumo kong sabi.

"May ipapagawa ako sa inyo. Isipin niyo na lang na make-up exam ito."

Bakit ganun? Iwas na nga ako nang iwas, tadhana naman ang naglalapit sa amin? Walangyang tadhana naman o!

Umismid muna si Diane bago nagsalita, "sure po, Ma'am. Ano po ba 'yon?"

Ano kayang nasa isip nito?

"Good to hear that, Ms. Santos. By the way, alam niyo namang next week na ang Science Week, 'di ba?" tango lang ang naisagot namin pareho. "Kayo ang ia-assign ko sa mga events at activities para doon."

What? Science Week? Tapos kaming dalawa pa? WTF.

"Ano po bang theme ng Science Week, Ma'am?" consistent pa rin si Diane sa pagsagot. Walangya, sira na ang plano ko.

"Kayo na ring bahala sa theme. Alam kong kaya niyo 'yan. Ang role ko lang dito ay i-guide kayo sa mga maiisip niyo, okay?" sabi pa ni Ma'am.

"O-okay po." pagsang-ayon ko na rin.

"By the way, excuse na kayo sa mga klase niyo ng hapon. Doon na kayo gumawa sa faculty room."

"Ma'am, sa office na lang po kami ni Papa gagawa. Para na rin po mas makapag-concentrate kami." sabat ni Diane.

"Okay. Kung ayos lang kay Mr. Santos."

"Ayos lang po iyon. Ah, by the way Ma'am, I have to go. Nasa kotse raw po si Papa eh."

Nginitian lang siya ni Ma'am, "sige na. Ah Jayden, ihatid mo na si Ms. Santos."

"Ma'am, ayos lan--" hindi na natapos ni Diane ang sinasabi.

"Medyo madilim na diyan. Sige na, bumaba na kayo."

Alas-singko na rin kasi nun. In the end, wala na rin kaming nagawa kundi maglakad paalis.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon