Chapter 2: Moment

686 39 11
                                    

Author's note:

Here's the revised version of chapter two. Hope you enjoy guys.:D

PS: Sorry sa mga typos. Sa mobile ko lang kasi inuupdate.:D

 

*****

 

Chapter 2: Moment

 

[Diane's point of view:]

"Hindi kaya si Louie 'yong nagtext sa'yo kagabi? Eh di ba EX mo na 'yon?", sunod-sunod na tanong sa akin ni Aly.

Uwian na noon at sabay kaming lumabas. Isa pa, magpapasama ako sa kanya sa mall. In two months time ay birthday na ni Dad kaya maghahanap na ako ng pwede kong iregalo sa kanya.

But sad to say, mukhang hindi pa makamove on ang baliw kong best friend sa kinuwento ko kaninang umaga. Naikwento ko kasi ang tungkol sa misteryosong tao na nagtext sa akin kagabi. Duh? Sabihan ba naman akong 'sweetie'? Ew lang, ni hindi ko nga siya kilala eh. Tsk! At ang loka, ayun at gumawa na ng mga teorya niya na si ganyan, si ganito o si ganun daw ang nagtext sa akin. And worst, dinamay pa si Louie -- my EX. Ako na ang bitter.=___=

"Will you please stop?! Ang chismosa mo talaga, you know that?", pagtataray ko sa kanya na ikinangisi naman niya. Yeah I know, hindi titigil ang bruha.=___=

"Highblood ka na naman best friend. Relax lang, tinutulungan ka na nga sa problem mo eh. Ang taray taray mo. Oh, don't tell me --"

Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya. "Samahan mo 'ko sa mall."

Mukha namang effective ang paglihis ko ng topic. "Oh, pass muna ako. May date kami ng boyfriend ko."

Tama bang iwan ako??=___=

"Ok, sige na. I have to go. Enjoy your date.", sabi ko sa kanya bago naglakad paalis.

Dahil wala naman akong kasama, nagpunta na lang ako sa park malapit dito sa school. Isa 'yon sa mga pinupuntahan kong lugar kapag gusto kong mapag-isa. Hindi naman ibig sabihin na loud ako eh wala na akong karapatang tumahimik.

Nang makarating ay agad na rin akong naghanap ng mauupuan. Bumili na rin ako ng maiinom at naupo na rin. Since na wala akong magawa ay binuksan ko na lang ang browser sa phone ko at nagfacebook na lang muna. At nang magsawa ay pumunta naman ako sa wattpad para ituloy ang binabasa kong story.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon