Chapter 30: Nurse Diane Santos

214 9 0
                                    

A/N: Ilang chapters na lang talaga, matatapos na 'to. LMAO. Pang-ilang beses ko na ba yun sinabi?

 

Gaya nga ng sabi ko, ieedit ko 'to kapag natapos na. I mean, give me 1 - 2 months bago magstart mag-edit. Siguro by next year na. Alam kong maraming inconsistencies ang story na 'to kaya ko ieedit. Sana maunawaan niyo. HAHAHA.

 

READ | VOTE | COMMENT

 

***

Chapter 30: Nurse Diane Santos

 

[Diane's point of view:]

"Hmm?"

Nanlaki ang mata ko sa taong nasa tabi ko lang na natutulog. Shet! Anong ginagawa ng Jayden na 'to rito? I mean, 'di ba nga, 'di namin siya kasama?

"A-Anong--" Hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Masama pakiramdam ko kaya nakitulog muna ako rito. Now, ayaw kong lumala ang pagkahilo ko kaya huwag mo muna akong bulyawan. Okay lang ba yun?" Medyo mahina lang ang pagkakasabi niya niyon. Parang awtomatiko naman ang paghaplos ko sa noo niya. Pakshet, may lagnat 'to ah?

"Huy!" Hinampas ko siya nang mahina sa balikat. "May lagnat ka, pero dito ka tumambay?! Anong hanap mo? Sakit? Shete ka talaga o!"

Pasensya naman. Inatake na naman ako ng panic syndrome. Gosh lang, ang shunga-shunga naman kasi ng lalaking ito eh!

"Hanap ko? Ikaw," seryoso niyang sabi -- dahilan para mapahinto ako. May sakit na nga 'tong loko na 'to, nagagawa pang bumanat. Juice colored! Kenekeleg akiz! -__-

"T-Tumayo ka na nga diyan at aalalayan kita papunta sa kwarto mo," sabi ko habang dinudukot ang phone ko sa bulsa. Ite-text ko sina Aly para naman tulungan akong alalayan ang loko-lokong Jayden na 'to. Sakto naman na may 4 messages ako. Isa-isa ko 'tong binuksan.

From: Aly

Teh, namasyal lang kami ni Jace sa mall malapit.<3 Nga pala, pupuntahan ka diyan ng loveydabs mo. Hihi.<3

 

From: Papa

Nak, san ka?

 

From: Papa

Pumunta muna kami sa kabilang bayan ng kuya mo para puntahan ang libingan ng lolo at lola mo. Kung gusto mong sumunod, text mo na lang ako.

 

From: Jayden

Where art thou? HAHAHA. Joke. Nasan ka? Kanina pa kita hinahanap e.

Sheeeeeet! Talagang iniwan lang nila kami rito? Nakanang buhay naman 'to oh? No choice, mag-isa na lang akong aalalay sa alupihan na 'to.

"Tulungan mo naman ako! Ang bigat-bigat mo kaya!" bulyaw ko sa kanya. Paano, parang ayaw niyang maglakad. Gosh, ang bigat pa naman niya!

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon