Chapter 8: Again..

268 22 1
                                    

Author's note:

Nakakatamad mag-update! Oh well, kahit may exams at recitations, heto at naisingit ko 'to. Sana magustuhan niyo. Ciao! XD

 

 

*****

 

 

Chapter 8: Again.

 

 

[Diane's point of view:]

"Kuya, pupunta ako sa mall mamaya." paalam ko kay Kuya Dino.

"Na alam mong hindi ko papayagan bunso." kontra naman niya.

Napakamot naman ako ng ulo. "Duh! Kasama ko naman si Aly Kuya eh. May bibilhin akong mga gamit!"

"Hmm.. let me think." he paused, mukhang nag-iisip nga. "Sige--"

"Yes! Thanks Kuy--"

"Pero, dapat isama niyo si Jayden." nakangising sagot niya.

Whaaat?! Of all the people, bakit siya pa?! I mean, 'yong nangyari kagabi? Ano kasi.. medyo naiilang ako.

"Kuya!"

"No more buts bunso." then umalis na siya.

Why so malas?! Nakakailang talaga eh. Ayoko muna siyang makita. Isa pa, ayoko nang maalala 'yon. Aaargh! Nakakainis talaga 'tong si kuya!

Oh well, wala na akong choice. E di isama na siya. Tama 'yan Diane, h'wag mo na lang pansinin. Kunwari galit ka sa kanya.

*****

"Hey Mr. Lacsamana. Samahan mo raw ako." sabi ko kay Jayden. Nasa kwarto niya ako ngayon.

"Saan naman? Anong oras?" tanong naman niya sa akin.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng mga notes namin. Well, wala namang duda. Actually, he's running for valedictorian sa buong 4th year. Yeah, ganun siya katalino kahit na sobrang gulo niya! Oh well, ako din naman. Kaso hanggang 2nd o 3rd honorable mention lang ang kaya ko. Poor Diane. Tss..

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon