Chapter 19: Asaran

218 12 0
                                    

A/N: Sorry sa delayed update. LMAO. Dedicated to ate Sandy (na nagbabalik). Enjoy reading.:)

 

***

Chapter 19: Asaran

 

[Jayden's point of view:]

 

"Sure ka na ba sa desisyon mo? Sa Linggo na ang birthday ni Mr. Santos e." may pag-aalinlangan na tanong sa akin ni Jace. Nasa canteen kami ngayon. Malamang kumakain kami.

"Kaysa naman maunahan na naman ako ni Louie. Saka ilang araw ko na ring napag-isipan 'to e." sagot ko sa kanya.

Plano ko na kasing magtapat kay Diane. Isa pa, buo na ang desisyon ko - liligawan ko na siya. I guess, wala namang masama doon. Sa pagkakaalam ko, hindi pa sila nagkakabalikan ng g*gong Louie na yun. At least, may chance pa ako. Wahehe! This time, hindi na ako matotorpe. Pramis!

"Lintik na pag-ibig nga naman o?!" nabalik naman ako sa sarili nang magsalita ulit si Jace.

Ay langya! Nakataas pala ang kamay ko. Yung parang nagrerecite ng 'Panunumpa sa Watawat'? Shit lang. Nakakahiya.

"Hindi mo man lang binaba. Tsk."

"G*go. Kabaliwan mo." At sabay kaming natawa. Para na nga kaming ewan dito e.

Matapos kumain ay naglakad na ako papunta sa opisina ni Mr. Santos. Naaalala niyo pa, nung kinausap kami ng teacher namin sa physics? Third day na naming magkasama ni Diane dito every afternoon. Mostly, yung mga paraphernalias lang naman sa mga contests ang ginagawa namin.

"Jayden, paabot naman ng mga envelop. Ilalagay ko na 'tong mga naprint ko na certificates." utos ni Diane sa akin. Hands-on talaga siya sa paggawa. "Huy! Natulala ka riyan? Yung mga pinapaabot ko."

Shit naman. Focus, Jayden. Focus.

"Here." abot ko sa mga envelop. Ako kasi ang in-charge sa pag-eencode at pagdedesign ng mga certificates.

"Thanks. By the way, magpapadala si Papa ng pagkain dito. Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. Buti pa siya, mukhang hindi man lang naiilang. Tsk. Tsk.

Ngumiti lang ako sa kanya saka bumalik ulit sa pag-eencode. Naiilang nga di ba?

"Huwag kang ngumiti diyang unggoy ka. Tinatanong kita, if you don't know. Hay nako." pagtataray na naman niya.

"Busog pa ako. Okay lang." sagot ko sa kanya. Nakangiti pa rin ako, pang-asar lang para naman kahit paano, mawala ang awkward na atmosphere dito.

Tinaasan niya lang ako ng kilay then sinagot ulit yung telephone. "Pizza na lang po, kahit ano. Saka drinks. Okay na po yun. Wala raw po kasing gana yung unggoy na kasama ko. Okay po, bye."

"Maka-unggoy ka naman. Nasasaktan ako." nag-act pa ako na parang broken hearted.

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon