Chapter 32.1: Last Kiss [PART 1]

201 6 0
                                    

Chapter 32.1: Last Kiss [PART 1]

[Jayden's point of view:]

Natapos ang pasko at bagong taon nang masaya. As in. Parang, iyon na ang pinakamagandang christmas present na natanggap ng poging katulad ko? Nakasama ko lang kasi ang mahal ko. Korni kung titignan, pero ganun ata talaga e. Nagiging korni ang isang tao kapag inspired.

Katulad na lang ngayon. First day of school for this year. Imbes na tamarin ay heto't nakangiti akong nagpapalit ng damit. Makikita ko kasi ulit ang mahal ko. Okay, what's with that word? Puro yun na lang ang lumalabas sa bibig ko. Kidding. Masaya lang talaga ako dahil bukod sa ang pogi ko ('di naman conceited, 'no), sisimulan ko na ang Oplan: Thirty Days. Kailangan, before mag-February, sagutin na niya ako. Sana mag-work.

"Jayden, huwag feeling pogi." Napatingin ako kay Kuya JC. Paano 'to nakapasok sa kwarto ko?

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Ang tagal mo. Kung 'di mo alam, ihahatid kita sa school mo."

Shit. Ako? Ihahatid talaga? Ano ako? Batang paslit?

"May mot--" Inunahan na naman niya akong magsalita.

"Hiniram ni Papa. Coding yung kotse niya at may urgent meeting siya ngayon."

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapatango na lang. Ayaw kasi ni Mama na maglakad na lang ako kahit may kalapitan lang naman ang school.

Sabay na kaming lumabas ni Kuya at tumungo sa mesa para mag-agahan. Nalaman ko rin na pupunta siya sa resto nila ni Kuya Dino. Yes, partner sila sa negosyo. Ganun ata talaga kapag magtropa na talaga. Parang kami ng bugok na Jace Gabriel. Matapos kumain ay nagbilin lang si Mama ng kung anu-ano bago umalis. Pagkarating sa school ay agad kong nakita si Jace.

"Ang tagal mo! Kanina pa ako text ng text e," pasigaw niyang sabi. May problema na naman ito. Mainit ulo e.

"Kagabi pa ako 'di nagbubukas ng phone. O, anong problema?" Naglakad na kami papunta sa room.

"Mahal ko na ata yung Alydaldal na yun. Diyahe, dre!" Natawa na lang ako. Akala ko pa naman kung ano na.

"Anong bago dun? E obvious naman e," sagot ko sa kanya.

Sinamaan ba naman ako ng tingin? "G@go ka talaga. Porket umamin ka na kay Diane, gumaganyan ka na."

"Ulol. Matagal na akong nagpaparamdam dun. Nung christmas break ko lang talaga nasabi." Sabay ngisi ko.

Naisipan muna naming dumaan sa canteen para bumili ng hot choco. Medyo inaantok daw siya. Idagdag pa na medyo malamig din ang panahon. Pati ako, napabili rin. Tama nga naman siya. Dumiretso na kami sa room matapos nun.

***

"Please write your new year's resolutions. 'Yan muna ang gagawin natin for this day, since lahat tayo ay may hangover pa sa bakasyon," anunsyo ni Ma'am. Napa-yes naman kaming lahat. Nakakatamad pa kasing pumasok (sabi ng iba).

This KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon