Chapter 14

20K 538 246
                                    

Chapter 14

 

“HOOOOY!” Bigla kaming pinaghiwalay ni Zydn.

“Zydn naman! Last na nga yung yakap na yun ipinagkait mo pa!” Reklamo ni Andie kaya naman napangiti ako. “Sumusobra ka na. Kuya ako ni Andrea kaya huwag kang magulo.”

“Kadiri ka! May pagnanasa ka naman sa kapatid mo. Umalis ka nga.” Napakamot nalang ako dahil kay Zydn. Ang childish niya talaga pero kahit ganoon ay nakakatuwa pa rin siya.  

“Kapatid mo ba talaga siya?” Isa pa talaga si Liro.

Feeling ko pinaparusahan na ako dahil sa mga ginagawa ko noon sa mga lalaki. Mahirap na ngang kasama ang isa, ginawa pang tatlo.

Umalis na akong hindi nila napapansin nang nagbabangayan pa sila. Pumunta nalang ako sa library at kumuha ng mga libro na kailangan para sa term papers.

Hapon na nang matapos ako sa pagbabasa. Marami na rin akong naisulat sa papel para sa papers namin. Dapat group siya pero mas gusto kong gumagawa mag-isa lalo pa’t mga tamad naman ang kasama ko sa group. Hindi nga sila nag-set kung kailan gagawin.

Nag-inat ako at nagulat ako nang biglang nagsalita ang tao sa likuran ko.

“Tapos ka na mag-aral?” Feeling ko ay nanigas ako. Para akong hinabol ng multo sa nakaraan ko. Isang malumanay na boses ngunit biglang nakakapagpabigat sa buong pakiramdam ko.

Si Celine.

“Hindi ko hihilingin na tignan mo ako dahil alam ko namang ayaw mo akong makita.” Hinawakan ko ang kamay ko dahil nanginginig na ito. Tama siya, ayaw ko siyang makita pero hindi niya kasalanan ang mga nangyari noon. Katulad ko ay biktima rin siya sa nangyari. Itinago niya ang katotohanan at umalis nang hindi nagpapaalam dahil iyon ang hiniling ng ama ko. I should let my past self go. I have to move on from everything that haunts me.

Kailangan ko siyang harapin. She was my best friend. We laughed and even cried together. I loved her and I cared for her.

“Dee, I’m sorry.” Niyakap niya ako mula sa likuran ko. “I’m sorry dahil iniwan kita. I’m sorry dahil hindi ako kaagad nakabalik.” Pumatak na ang luha niya at nabasa ang papel na sinulatan ko. “I’m sorry dahil natakot ako kaya mas pinili kong maghanap ng ibang makakatulong. I’m sorry dahil sinunod ko ang papa mo. I’m sorry. I’m sorry dahil nainggit ako. I’m sorry dahil binalak kong sirain ka pero Dee, hindi ako. Wala akong kinalaman sa nangyari sa’yo. I’m sorry na iniwan kita.” Paulit ulit niyang sinasabi ang mga katagang i’m sorry. Paulit-ulit siyang nagpaliwanag.

Umiyak siya nang umiyak pero ni isang salita ay wala siyang narinig saakin. Umiyak siya nang umiyak pero kahit isang lingon lang mula saakin ay wala siyang nakuha.

***

Kasabay kong naglalakad pauwi si Zydn. Tahimik lang kami ngayon kumpara dati. Marahil ay alam ni Zydn na may nagyari ngayong araw saakin. Hindi naman siya magiging si Zydn kung hindi matalas ang pakiramdam niya.

“Mag-ingat ka.” Paalam ko sakanya nang maihatid na niya ako sa bahay. Hindi ko na rin siya papapasukin dahil maaring magtagal lang siya kapag nakita siya ni Shin.

“Andrea, pinuntahan ka ba ni Celine?” Itinikom ko ang bibig ko at tinitigan lang siya ng diretso sa mga mata niya. “Nakita ko siyang lumabas sa library kaninang pinuntahan kita doon.”

Iniwan niya ako. Hindi sana naganap ang kahalayang iyon kung hindi niya ako iniwan.

Nararamdaman ko na ang panginginig sa mga kamay ko. Hindi lang sa kamay kung hindi pati na rin ang buong katawan ko.

“Andrea.” Niyakap niya ako at naramdaman ko ang mga palad niyang humahaplos sa buhok ko. “Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Huwag mong pigilan. Alam kong masakit para sa ‘yo na makita siya pero Andrea walang kinalaman si Celine sa mga nangyari.” Unti-unti ay naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko kahit pa ayaw kong umiyak.

“Andrea, matuto kang magpatawad. Matuto kang intindihin din ang iba. Kasi ‘yun lang din ang paraan para matulungan mo ang sarili mo at para makapaglakad ka na patungo sa gusto mong buhay.”

Nang gabing iyon ay umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na sobrang nabasa ko na ang damit ni Zydn....

***

yey after 6 months! Na-update din! Though di ko na alam kung tama pa pinaglalagay ko. Hindi ko pa nababasa ulit lol. Babasahin ko nga ulit ito tapos kapag nakita ko na lahat ng mali, aayusin ko nalang. :)))))

sorry kung maikli, hindi pa kasi ko pa kasi naramdaman ng buo. :< kaya ayaw ko siya i-update talaga e XDDD

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon