Chapter 4.5
“A-anong relasyon ang sinasabi mo Andrea?” Bakas sa mukha ni papa ang pagkabigla dahil sa naging rebelasyon ko.
“Ex-boyfriend?” Sarkastikong sagot sa aking ama. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o manatali nalang na huwag magpakita ng emosyon. Andie is here. Right beside me. Sa totoo lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko.
“I-I’m going home.”
“You’ll stay here tonight. Pati na rin ikaw Andie.”
“Sounds good to me.” Nahalata ko rin na tinignan niya ako nang sabihin niya iyon. Jerk.
“Hindi pupwede. Pa may anak ako. Baka magising siyang takot na takot at magulat nalang na wala pala ako sa bahay.” Nararamdaman kong nakatitig lang saakin si Andie. Alam kong nagtataka siya sa mga pinagsasabi ko. Lumapit nalang ako kay papa para kahit papaano ay may masandalan akong lamesa. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag.
“Bakit hindi mo dalhin dito ang anak mo?” Andie suggested. Halata naman na nananadya siya. I don’t care kung nagpapakabitter siya or what. Huwag lang nila idamay ang anak ko sa usapan.
“Marahil hindi pa nakakasama nila dad ang anak mo. Hindi ba unfair iyon?” Isang nakakabwisit lang na ngiti ang ipinakita saakin ni Andie. Hindi ko maintindihan si daddy sa kung anong nasa isip niya. Hindi ba siya nandidiri na pinagsasama niya sa iisang bubong ang mga tinuturing niyang anak na dati naman ay may relasyon?
I can’t believe them!
“Uuwi na ako.”
“Andrea anak. Alam ko naman na hindi totoo ang sinasabi mo. Alam kong hindi kayo nagkaroon ng relasyon kaya naman---“
“Pa naman. Pinapunta mo ba ako dito para ipakita lang saakin na wala ka talagang tinawala saakin? Hindi ko dadalhin ang anak ko rito dahil saakin palang nandidiri na ang angkan niyo saakin. Ayaw kong madamay ang anak ko sa anumang gulo ng pamilyang ito. They never wanted us here anyway.”
“Andrea---“
“Pa hindi ko dadalhin dito ang anak ko and that’s final.” Sa sobrang inis ko ay umalis nalang ako nang hindi nagpapaalam sa kahit kanino. Nakakainis lang na mukhang hindi man lang ako pinapaniwalaan ng ama ko.
“Hey I’m just kidding when I said that.” The nerve! Naglalakad na ako sa labas pero talagang sinundan pa ako? Can’t he just leave me alone?
“Hindi maniniwala sayo si daddy.”
“Don’t call him daddy. Hindi mo naman siya tatay.” Naiinis ako.
“Sinabi ko sakanya na baka iyon ang sabihin mo. Sinabi ko sakanya na huwag siyang maniniwala sayo. Sinabi ko sakanya na talagang galit ka lang saakin. Andrea---“
“Stop it already! Akala ko ba gusto mong tawagin kitang kuya? And then biglang babawiin mo just because ayaw mo akong maging kapatid I don’t get you! Kung ayaw mo pala edi sana hindi mo ako pinuntahan para lang sabihin na tawagin kitang kuya.” Nanginginig ako sa sobrang galit. Malayo na rin ang nalakad namin kaya wala nang nakakarinig sa magulong usapan na ito.
“Andie I’m fine now. I’m hella okay now. And here you are—trying to break me. Andie I’m done dealing with you. Ginamit lang naman kita. Sinubukan kong saktan ka.”
“Alam ko. That’s why I’m back… to hurt you.”