Chapter 13

22.3K 682 241
                                        

Chapter 13

 

Ilang araw na ang nakalipas simula noong nag-away at nagkabati kami ni Zydn. Hindi ko nga alam kung maayos na ba kaming dalawa. Nag-uusap kami pero hindi na namin ulit pinag-usapan ang tungkol sa away namin.  

Naglalakad na ako sa corridor nang tawagin ako ni Zydn  at akbayan. “Sabi ko hintayin mo ako. Bakit ka nagmamadali?”

Paano ko ba sasabihin sakanya na may iniiwasan ako? Simula noong nag-away kami ni Zydn, lagi nalang akong nilalapitan ng taong iyon. Bakit ba kasi laging absent ang Zydn na ‘to?

“Andreaaaaaa.” Napabuntong hininga ako nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. Napahinto naman si Zydn na dahilan din kaya ako napahinto.

“Sino siya?” Hindi ko pinansin ang tanong ni Zydn at lumapit ako kay Liro.

“I told you to stop.” Seryoso ang pagkakasabi ko sakanya pero nakangiti pa rin siya saakin. Hindi siya makaintindi.

“Heto.” Masaya pa rin niya akong inabutan ng bulaklak kaya naman napakamot ako ng ulo ko. Sinusungitan ko na nga siya pero lagi pa rin niya akong nginingitian at laging binibigyan ng bulaklak.

“Huwag ka na mag-abala next---“ Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Zydn mula sa likuran ko saka ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

“Heh. Sino naman ‘yan? Umabsent lang ako ng ilang araw mukhang may nanliligaw na saiyo.” Hinigpitan pa nito ang yakap niya saakin bago niya kausapin si Liro. “Saakin si Dee. Bakit mo nililigawan ang girlfriend ko?”

Bakit ba ako napapaligiran ng mga idiot?

“Baka gusto mong bitiwan si Andrea?” Mas lalong humigpit ang yakap saakin ni Zydn nang marinig namin ang boses ni Andie.

“S-sino naman siya?” Naguguluhang tanong ni Liro.

“Bitiwan mo sabi ni Andrea.” Pinitik pa ni Andie ang noo ni Zydn kaya naman binitiwan na rin niya ako.

Nakahalukipkip akong humarap sa dalawa. Sa unang tingin ay aakalain na magkaibigan sila dahil sa mga ginagawa nila pero sa totoo lang ay nag-aasaran na sila. I rolled my eyes and turned to Liro. Bakas sa mukha niyang naguguluhan siya.

“Kay Andie ka magpaalam kung liligawan mo ako. Kapatid ko siya.”  Ngumisi pa ako bago ko sila iwanang tatlo. Mapapagod lang ako kung sabay-sabay ko silang kakausapin. Sila pa naman ‘yung tipong gagawin ang gusto nila. I think I’m tired dealing with guys.

“Coreeeeeen!” Isa pa si Ivy na hindi ko masabayan ang energy. Masyado siyang hyper para sa taong hindi gaano katangkaran at kalakihan ang katawan. Petite siya and guys adore her personality. She’s cute and kind. Why am I even praising her?

“Tingin mo magugustuhan ni Shin ito?” Inilabas niya ang isang laruang kotse. Magugustuhan nga iyon ni Shin pero hindi ko nagugustuhan ang ginagawa nilang pang i-spoil sa anak ko.

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon