e maikli yung UD ko. nai-stress ako dito e. XDD
Chapter 7
Umuwi akong naguguluhan dahil sa mga sinabi ni Zydn. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan o hindi. Totoo bang nakalimutan ko siya? Sila? Pero natatandaan ko si Celine. I can still remember her. Alam ko nakita ko na si Zydn noon pero hindi ko alam kung nakakausap ko siya.
Pinagmamasdan ko lang si Shin matulog ngayon. Hindi ko alam kung makakausap ko pa ba si Zydn dahil sa mga sinabi niya kanina. I don’t even know how to face him anymore.
Iniwan ko na ang anak ko sa loob ng kwarto at nagpasyang kausapin na si mama. I know may malalaman ako sakanya. Dapat una palang nga ay sinasabi na niya.
“Tulog na ba si Shin?” Tanong ni mama saakin habang nagluluto siya.
“Yeah.” Matagal kaming tahimik na dalawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin sakanya ang mga nanggugulo sa isipan ko. What if hindi pala totoo ang mga sinabi ni Zydn or kung nagsinungaling nga ang mga magulang ko saakin. How will I react?
Everything seems fine now. I don’t wanna ruin my relationship with my mother.
Hinawakan ko nalang ang sentido ko dahil sumasakit na ito sa sobrang pag-iisip. Hindi ko na alam ang gagawin ko. This isn’t me at all. This isn’t Andrea.
“Ma.” Tawag ko without looking at her. “Are you hiding something from me?” Still I’m not looking at her even though I already caught her attention.
“Ano naman ang itatago ko sayo?” Tanong niya pagkatapos niyang matahimik nang ilang segundo.
“Perhaps my past.” This time I looked at her. I can see that she was taken aback by what I have said. Matagal din siyang natigilan bago nakabawi at muling nagsalita.
“Ah! Gusto mo sigurong malaman yung mga ginagawa mo noong bata ka pa?”
“About Zydn, Celine, my friends and me before that incident.”
“Naaalala mo na ba o sinabi saiyo ni Zydn?” Umupo siya sa kabilang dulo para magkaharapan na kami. Alam kong sa inaasal niya ay hindi siya mapakali. Kilala ko ang mama ko. Sa puntong ito parang sinasabi niya na totoo nga ang sinabi ni Zydn. Na nakalimutan ko siya. Silang lahat.
“Si Celine ay matalik mong kaibigan.”
“Alam ko yun.”
“Dati mong kasintahan si Zydn.” Huminga ako ng malalim nang sinabi ito ni mama. Alam niya pero hindi niya sinabi saakin. Alam niya pero sinadya niyang ilihim ang lahat.
“Bakit tinago niyo? Bakit kailangang---“
“Pinalayo ko ang lalaking iyon saiyo.” Nagulat nalang ako dahil bigla nalang sumulpot si papa at sinabi iyon.
“Pa?” Halos wala nang boses na lumabas mula saakin.
“Kung hindi mo siya nakilala hindi mangyayari yun sayo. Maski ang kaibigan mo ay pinalayo ko mula sayo dahil hindi siya magandang ehemplo saiyo. Pumupunta siya sa mga bar kahit na underage pa kayo noon. Lagi kang sinisiraan pero wala kang ginagawa.” Hindi ko maalala ang mga sinasabi niya. Ang tanging alam ko lang ay iniwan ako ni Celine. Hinayaan niya ako. That she betrayed me and hated me so much.
“She’s not a friend to keep Andrea.”
“Who are you to dictate me? Hindi mo naman ako pinalaki. Hindi mo alam ang pinagsamahan namin ni Celine!”
“Kaya ka ba niya iniwan at hinayaan nalang?”
“Tama na!” Hindi ko alam pero nanginginig ako ngayon habang nakayakap saakin si mama. Naririnig kong pinapatigil niya si papa pero hindi ako makagalaw. “Tama na. Hindi natin alam ang tunay na nangyari. Kaya tama na.” ramdam na ramdam ko ang pagbagsak ng luha ni mama at alam ko sa sarili ko na umiiyak na rin ako.
Naiiyak ako dahil tama si papa. Iniwan ako ni Celine. Iniwan niya ako. Anong kasalanan ko para iwanan niya ako?
“Hindi si Celine ang problema dito at alam mo ‘yan.” Nananatiling nakayakap pa rin saakin ang mama ko habang kausap si papa. “Hindi rin si Zydn. Kaya tama na!” Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni mama kahit na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
Naguguluhan ako.
Hindi na rin nagtagal si papa at umalis nalang siya. Tanging ang padabog na pagsara niya sa pintuan nalang ang narinig ko bago ako bitiwan ni mama. Hindi ko sila maintindihan.
Wala akong maintindihan.
“Mabuti silang mga kaibigan saiyo Andrea kaya hinayaan kong makalapit ulit saiyo si Zydn. Hindi kita pagbabawalan kung gusto mong kausapin si Zydn. Andrea maski ako hindi ko alam kung ano ang mga pinag-usapan nila ng papa mo. Kung ano ang nasabi ko saiyo kanina, iyon lang ang nalalaman ko. Mabait siya at iyon ang alam ko.”