Chapter 2
Dee. May kakaiba talaga sakanya kahit anong gawin niya. Iba siya ngayon. Sinundan ko siya hanggang sa library. Umupo ako sa likuran niya at isinubsob ko ang ulo ko sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko umupo sa likuran niya. Palagi siya sa library kaya lagi rin ako rito. Hindi ako pala-aral katulad niya pero natutuwa ako sakanya tuwing natutulugan niya ang inaaral niya.
“Nag-aaral ka? Ako kasi hindi makapag-aral.”
“Kailan man hindi ako nag-aral sa library.” Simpleng sagot ko sakanya. Ngayon lang niya ako kinausap dito.
“Talaga? Napansin ko kasi lagi ka rito.” Hindi niya ako nililingon at gan’on din ako sakanya. Talikuran kami kung mag-usap.
“Tumatambay lang. Malamig kasi.” Palusot ko pa.
“Anong iisipin mo kung nalaman mong hindi minahal ng daddy mo ang mommy mo? Anong iisipin mo sa isang tinatawag nilang anak ng pokpok?”
“Anong kasalanan ng anak sa pagiging pokpok ng ina?”
“Kasalanan ba ng ina na hindi man lang niya ipagtanggol ang sarili niya? Hindi malandi ang mama niya. Hindi niya kasalanang mabuntis at hindi man lang pinakasalan.”
Ang mga babae madalas gumamit ng third person kapag nagsasabi ng problema. Bakit hindi nalang niya sabihin na marangal naman ang nanay niya.
“Ang mga tao ay mapanghusga. Madalas nilang husgahan ang mga nakikita nila kahit wala silang alam sa nangyari. Minsan ang kasinungalingang nakikita nila ang inaakala nilang katotohanan.”
“Pero kahit sabihin ang katotohanan wala na silang pakialam pa kasi may pinaniniwalaan na silang iba. Absurd but that’s the reality that we need to face. Nice talking with you, Dee by the way.” Hindi na niya hinintay pa na sabihin ko ang pangalan ko. Agad na siyang umalis.
Lumabas na rin ako sa library makalipas ang ilang minuto at saka nagpunta sa malapit na arcade.
“Yo! Zydn! Himala! Nasaan si Patric? Bakit hindi mo kasama?” Tanong ng anak ng may-ari nitong Arcade na si Vic.
“Patay na.”
“Saan ang burol? Makikikape nga ako!”
“Siraulo!
“May nagpunta kanina dito. Yung mga tiga kabila. Siraulo talaga kayo kahit kalian! Bakit niyo naman pinatulan ang mga ‘yon? Alam niyo na ngang mainit ang dugo nila sainyo tapos pinatulan niyo pa ang isa nilang kasama! Baka mamaya binubugbog na pala yung kaibigan mo hindi mo pa alam.”
Naglaro lang ako ng ilang oras at saka umuwi na. Hindi ko inaasahan na sa pag-uwi ko ay nandoon na pala ang mga magulang ko. Ang dami tuloy tao ngayon dito sa bahay. Malaki kasi ang angkan namin. Halos lahat successful ako lang yata ang naiiba sa pamilyang ito. Lahat sila sinasabing ako ang black sheep ng pamilya. Wala naman akong pakialam sa sasabihin at sinasabi nila. Opinyon nila y’on, sinasabuhay ko lang.