Chapter 9
“Natulog ka ba? Ang laki na ng eyebags mo Andrea. Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Kanina pa ako nagsasalita e.” Nanatili lang akong tahimik. Hindi ko alam kung maski si Ivy ba ay may nalalaman o wala. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong paniwalaan sakanila. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala gayong sila na mismo ang nagpasya para sa sarili ko.
“Andrea.” Tumayo nalang ako at iniwan ko siya. Hindi ko maatim na makita ang isa sakanila. I’d be a loner again. I guess?
“Andrea ano ba? Bakit ba hindi mo ako kinakausap? What’s wrong with you?” Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa paglayo sakanya. She’s been tailing me since I left our class. Bakit ba hindi nalang siya pumasok sa sarilin niyang klase at hayaan nalang ako?
Napatigil lang ako sa paglalakad nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. “Umalis ka dyan.” Mahina ngunit may pagbabanta sa tono ng boses ko. Wala akong panahon para kumausap ng kahit sino.
“Please step aside.” Nakatingin lang ako sa baba dahil ayaw kong makita ang kahit sino. I have no time for this. Ngunit natauhan lang ako nang tanungin ako nang lalaki sa harapan ko. “May problema ba?”
“A-Andie?”
“I’m asking you. May problema ba?”
“It’s none of your business.” Dadaan sana ako sa gilid nya pero bigla nanaman niya akong hinarang.
“Your business is my business.” Natawa nalang ako nang narinig ko iyan sakanya. My business is what? Nababaliw ba siya? Sinaktan ko siya pero heto nanaman siya.
“Your girlfriend’s business is you business therefore you don’t need to meddle in my business. Do not stick your nose again.”
“This is what I miss about you. Matalino ka nga pero hindi mo naman kayang kontrolin ang emosyon mo.” Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilain palabas sa building. Ano nga bang ginagawa niya doon?
“Andie ano ba? Bitiwan mo na nga lang ako.”
“She’s not my girl.” Paliwanag niya saakin. Then what about the babe thingy?
Huminto lang siya sa paghila saakin nang makalabas kami sa building.
“Tell me, ano nanaman ba ang problema mo? I thought you’re okay?”
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang mag-alala saakin. Dahil sa ikinikilos niya ngayon ay parang gusto ko nalang maiyak.
“You’re really stubborn. Just cry you idiot.”
“Pagkatapos ng mga naalala ko kagabi? I can’t even cry kahit na gustuhin ko pa.” Hindi na ako pumalag nang ikulong niya ako sa mga bisig niya. “Then tell me what your problem is.”
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa isip ko at sumama nalang ako sakanya nang basta-basta. Idinala niya kao sa isang coffee shop na malapit lang sa pinapasukan naming university.
“Nasaan si Zydn? Bakit hindi mo siya kasama?”
“Bakit naman ako lalapit sakanya kung siya nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?” Ininom ko nalang ang kape na binili niya para saakin.
“Nagbreak na agad kayo nang makita mo ako? Ang bilis naman.” Tumawa pa siya nang bahagya pagkasabi niya iyon.
“Baliw.”
“Totoo nga ang sinabi ng kapatid ko. Ang laki ng pagbabago mo. Nagsasabi ka na kaagad kahit na hindi maganda ang pakikitungo ko sayo noong una.”
“You’re not a stranger. You were a friend.”
“Your ex.” Nakangiti niyang sagot saakin. “And now the one comforting you. How ironic.”
“You’re not even comforting me.”
“Hindi ba?”
“But at least you’re making me feel at ease.”
“I thought I’m not comforting you? Kahit kalian talaga magulo ka. Hindi ka naman pala nagbago talaga.”
“I’m not complicated.”
“At least you’re smiling now. Kung ayaw mo sabihin saakin ang problema mo ayos lang naman. Pero kung gusto mo nandito lang naman ako bilang kuya mo.”
Kuya. Gross. He’s still my ex though.
“Ex ko si Zydn.”
“Sabi ko na nga ba nagbreak kayo dahil saakin.”
“Sira ka talaga! Patapusin mo nga ako!” tinawanan lang niya ako nang nagtaas ako ng boses sakanya. Parang baliw talaga.
“Joke lang. Ikaw naman hindi na nabiro.”
“Alam niya ang lahat tungkol sa nakaraan ko. Isa siya sa nakaraang nakalimutan ko. Hindi ko siya matandaan.” Huminga muna ako nang malali bago ko ipinagpatuloy ang sinasabi mo.
“Kaya ba madali ko siyang nakapalagayan ng loob kahit na ikaw ang lagi kong kasama noon ay dahil matagal ko na siyang kilala?”
“Hindi ba dahil gusto mo lang talaga siya? Payong kaibigan lang Andrea, kausapin mo na siya. Dahil sa oras na makita pa kitang ganyan, malalagot talaga siya saakin. Ayaw kong nagkakaganyan ka. Tandaan mo ‘yan.”
Pagkatapos naming mag-usap ay hindi ko na siya nakita buong araw. Maski si Zydn ay hindi ko rin nakita maghapon.
Bakit ba magulo ang buhay ko? Bakit kailangang makalimutan ang mga bagay na napakaimportante? Bwisit talaga.
****
A/N: Sawry dahil natagalan ang UD! ngayon lang nagka-time mag-update. Kung may readers pa ako magcomment kayo about sa story XD